04

13 5 0
                                    

_Arah's POV

"Patulong naman ako sa pagrereview." Pagmamakaawa ni Zy halos lumuhod na nga 'to sa harapan ko eh.

"Ano bang maitutulong ko?" Tanong ko

"Well, tulungan mo akong magreview total ikaw pinakamatalino satin eh." Sagot niya

"Pag-iisipan ko muna."

"Arah! Nakakainis ka naman eh, kaibigan ba tlaga kita?" Naainis na sambit niya

"Fine, tutulungan na kita."

Pagkatapos niya akong pilitin na tulungan siya sa pagrereview niya para sa Quiz Bee ayon, iniwan na niya ako.

"Nakakainis na buhay to oh, Lagi na lang akong iniiwan." Sambit ko habang padabog na inaayos ang mga gamit ko

"Well, Amarah Alevaro sakin ka na lang. I promise hindi kita iiwan tulad nang mga kaibigan mo." Narinig kong sambit nang kung sino mang lalaki na nasa likod ko kaya nilingon ko.

"Klier?" Nagtatakang tanong ko

"No other than your handsome suitor." Nakangiting sambit niya

"At ano naman ginagawa mo sa classroom namin aber?" Nakataas kilay kung tanong

"Bawal na ba akong pumunta dito?" Nangiinis na tanong niya

"What if I said na bawal ka nga dito?"

"Then tell me what's the reason kung bakit bawal ako dito?" Nangiinis na sambit niya

Arrrrghhh. Bwisit siya.

"Pwede ba Klier George Tejano! Lubayan mo naman ako kahit Ilang araw lang!" Naiinis na sigaw ko eh halos araw-araw na lang kasing nambwibwisit eh pasalamat siya 'di ako nagsusumbong kay Nine.

"Chill ka lang 'to naman asar agad. Aalis na 'ko." Natatawang sambit niya bago lisanin ang classroom

"Oh, Bat pulang pula ka? Okay ka lang?" Tanong ni Zy pagkapasok niya nang classroom.

"Eh pano ba naman nambwisit na namn si Klier halos araw-araw na lang kasi eh kaainis!" Sambit ko

"Eh pano ba namang tatantanan ka nun eh antagal na kayang nanliligaw nun sayo." Sambit ni Zy

"Hinding hindi ko siya sasagutin. Itaga niya yan sa bato." Sambit ko sabay hablot nang bag at lumabas.

"Oh san ka pupunta?" Pahabol na tanong ni Zy

"Pasabi na lang kay maam masama pakiramdam ko." Sigaw ko tsaka tumakbo baka habulin pa 'ko nun at pigilang umuwi.

Habang hinihintay ko yung sundo ko sa labas nang gate may napansin akong kotseng nakaparada sa harap din mismo nang gate. Hindi ko na lang pinansin pa at nagmadali nang tumayo dahil tanaw ko na ung sundo ko.

From: +639758893751

Bat ka absent?

SMS 1:33 PM

Hindi ko na lang pinansin pa kung sino man ang nagtext at dumungaw na lang sa may bintana nang kotse at dinama ang preskong hangin na sumasalubong sa mukha ko.

"Manong sino pong tao sa bahay?" Tanong ko sa driver namin

"Wala po maam." Sagot niya

"Sina Mama at Papa po?"

"Umalis sila maam ang sabi eh out of the country daw po." Sambit ni manong driver

To: Mama

Ingat kayo ni papa.

SMS 1:40 PM

Pagkarating namin sa bahay dumiretso ako sa kwarto nina Mama nagbabakasakaling may perang iniwan bakit ba? Eh sa nauubusan na 'ko nang pera eh. At hindi naman ako nagkamali dahil may pera nga sa ibabaw nang table.

From: Rina

Arah! I'm back, Nasa Airport na 'ko pasundo naman.

SMS 1:32 PM

To: Rina

Hala Seryoso? *o*

SMS 1:33 PM

From: Rina

Yeah andito na nga 'ko sa Airport eh dali sunduin mo 'ko jan ako.

SMS 1:33 PM

To: Rina

Okay sige, papunta na kami

SMS 1:34 PM

Bumaba na 'ko para sabihin kay manong na sa Airport kami buti na lang daw at naabutan ko pa siya dahil balak daw kasi niyang umuwi muna sa kanila.

To: Zy

Shirina is back! OTW na kami sa AP para sunduin siya kitakits tayo mamaya sa bahay a'right:)

SMS 1:42 PM

Pagkarating namin sa Airport agad kong natanaw kung nasan siya kaya madali akong bumaba at sinalubong siya nang yakap.

"OMG Arah! Pandak ka parin." Aniya matapos naming bumitaw sa yakapan

"Whatever!" Irap ko sa kanya tsaka siya yinakap ulit


Pumasok na kami nang kotse baka kasi kung ano pang magawa namin dun.






Destined But Undestined (ON GOING)Where stories live. Discover now