It's been two weeks na since natapos yung JS Prom. Ni hindi man lang ako nagenjoy tangines lang.

I'm on my way papuntang bahay nila Morris ngayon dahil ininvite niya ako para manood ng Horror  Movie sa kanila, Ewan ko dun kung anong nakain at Horror pa talaga ang trip panoorin. Sana naman wala dun mga kapatid niya.


Napapangiti parin ako pag naaalala ko yung pagkukwento ko sa kaniya about kay Mom, Yung ang saya ko kasi aside kina Arah e nailabas ko ulit lahat ng hinanakit ko kay Morris. Ngayon lang naman din kasi ako nagkaron ng lalaking kaibigan. Oo, sa pamilya namin ako lang ang nag-iisang babae lahat ng mga pinsan ko lalaki. Kaya siguro tinatawag akong tomboy ngayon, pero duh! Hindi ako tomboy.

"Goodmorning, Kuya." Bati ko kay manong guard.

"Magandang umaga din Shy, Nandun si Sir. Morris sa loob hinihintay ka.

"Ah, nandyan po ba yung mga kapatid niya?" Tanong ko.



"Lumabas po kani kanina lang si Sir. Macky e hindi ko na alam kung pati si Ms. Sharry e lumabas." Ani ni manong guard



"Sharry?" Nagtatakang tanong ko familliar kasi e.



"Ah, Oo yun pong panganay nilang lalaki." Paliwanag ni manong guard.





"Shy! Tara na ano pang ginagawa mo diyan." Sigaw ni Morris na kalalabas lang ng pintuan nila.





Habang papasok kami ng bahay nila bigla niya akong inakbayan kaya tinampal ko yung kamay niya.


"Aba't! Chansing to a." Sambit ko tsaka siya tinulak tulak.



"Sus, parang akbay lang e. Tsaka bat naman kita chachansing'in?" Aniya na hinihimas himas pa yung braso niyang nasuntok ko.




"E namimihasa ka na e." Irap ko tsaka siya kinurot sa tagiliran.






Bigla namang may tumikhim kaya napatigil ako sa pagkurot kay Morris.



Shocks! Ka-kamukha ko siya. Siya kaya yung Sharry? Tangines.

"I'm going to be jealous na." Sambit nung babaeng nakatayo sa may hagdan.



"Oh, hi Ate! Hm, this Is Shy pala, My bestfriend." Pakilala sakim ni Morris tsaka hinila ako palapit sa kanya.




"Kyah! Nice meeting you pretty, Ikaw morris ah, I didn't know na you have a magandang bestfriend pala." Aniya tsaka pinisil pisil yung pisngi ko.





Tangines lang. Yung pisngi ko!


"Hm, Hi po. I'm Zeid." Ngiting pilit na sambit ko.





"Haha, You're cute. BTW, I'm Sharry." Aniya tsaka ako bineso at niyakap.






Mula sa likod ko ay sinulyapan ko  si Morris na ngayon ay nagpipigil ng tawa. Aba't haypnabata to a! Inirapan ko siya tsaka binigyan ng "Tara na" look. I'm sure naiintindihan naman ako neto.




"Ah, Ate akyat na kami ah. May gagawin pa kasi kaming project e." Said Morris kaya nakahinga ako ng maluwag.






Hooohhhhh!




"Oh-kay. Pasensya ka na kay Ate ah." Hinging pasensya niya.





"No. It's okay with me. E ang ayaw ko lang naman talaga e yung dinadamay pisngi ko." I said tsaka humiga sa kama niya.




Nilingon ko siya nung makita kong humiga din siya sa tabi ko.



"Asus! You're so cute kasi e." Aniya tsaka pinisil din yung pisngi ko kaya kinurot ko siya sa tagiliran.




"Aray naman." Reklamo niya



"Ge, Isa pang pisil sa pisngi ko tatamaan kana sakin." Pagbabanta ko.





Inilapit niya yung mukha niya sakin kaya sinuntok ko siya sa braso. Chansing talaga to e.




"Ang cute mo talaga." Aniya tsaka ulit pinisil yung pisngi ko. Tangina! Alam na ngang ayaw na ayaw ko yung pinipisil pisngi ko e.





"Aba't tangines. Isa pa talaga makakatikim ka sakin De Claro!" Pagbabanta ko.




"Ano namang ipapatikim mo sakin?" Tanong nito kaya napaiwas ako ng tingin. Aba't manyak din to e.

Narinig ko namang tumawa siya ng patago kaya tinulak ko siya.

"Tanginamo!" Sigaw ko tsaka tumayo at agad at lumapit sa Cabinet kung nasan yung mga Disc.




Nakita ko pa siyang tumatawa habang nagkakamot.




"San ka pupunta?" Tanong ko nung nakita ko siyang palabas.



"Don't worry, kukuha lang ako ng meryenda sa baba. Babalik din ako." Aniya tsaka kumindat.






"Haypka!" Pahabol na sigaw ko.






Nagulantang naman ako nung nagring bigla yung phone ko? Teka phone ko ba yun? Agad ko namang hinanap kung kaninong phone yun at hindi pala sakin.


Shocckkksss!


Vincent is calling.....

Accept or Reject




*later*














You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Destined But Undestined (ON GOING)Where stories live. Discover now