Wattpad Original
Há mais 5 capítulos gratuitos

Prologue

106K 3.7K 1.9K
                                    

Must get out

Men Challenge Jr. Book 14

A novel written by:

xxakanexx

Cloud 9

Disclaimer: Read at your own risk. May contain vulgar words and sex scene. 



Barcelona, Spain

Gusto ko lang namang umuwi na. Nag-aalala ako sa tatay ko. Nakakulong siya ngayon. Napakarami kong pwedeng gawin para sa kanya para mapadali ang lahat ng ito but here I am in Barcelona, Spain, spending my time going around, trying to enjoy this fucking trip. Pero paano ako mag-e-enjoy kung iniisip ko ang tatay ko? Apat na araw na ako rito. May dalawang araw pa akong bubunuin pero hindi ko na matiis! Gusto ko nang umuwi. Hindi ko rin makausap ang mga kapatid ko. Sure akong abala sila sa nangyayari sa Pilipinas, habang ito ako, walang kaalam-alam.

It was four in the afternoon and I was in Parc Guell, trying to enjoy the panoramic view in front of me, pero ang nakikita ko lang ay rehas, ang tatay ko, at ang nahihirapan niyang hitsura.

"Tang ina naman. Gusto ko nang umuwi." I sobbed. Inis na pinahid ko ang luha ko. Hindi talaga ako natutuwa sa pinaggagawa ko. Sinabi ko sa nanay ko na ayokong umalis at aalis lang ako once na makalaya ang tatay ko. Pero hindi siya pumayag. Iyon raw ang mahigpit na bilin ni Popsi. Kailangan umalis ako dahil birthday trip ko ito at kailangang araw-araw akong may entry sa iPad na binigay niya sa akin. Sa loob noon ay may notes ng mga kailangan kong puntahan, gawin, at kung ilang oras akong nasa labas dapat.

I knew he was trying so hard to get me out of our home. Alam kong aware rin siya sa heat allergy ko kaya nga pinili niya ang Barcelona sa ganitong panahon. Malamig kasi. Pwede akong magtagal sa labas dahil hindi gaanong mainit at walang allergic reaksyon na magaganap. But it was too much. I can just cancel the flight and be a help to them, pero hindi. Ang nakakainis pa, pinaiwan ni Popsi lahat sa akin, maliban sa iPad na wala namang laman kundi puro tourist shits lang at ang isang bagong iPhone na hindi ko rin magalaw dahil wala akong tools.

Inis na inis ako.

"Gusto ko nang umuwi! Putang ina!" I screamed on top of my lungs. Natigilan rin ako nang mapansin kong nakatingin sa akin ang ibang mga turista. Yumuko ako at pinasok ko ang kamay ko sa loob ng bulsa ng aking coat. I was wearing a brown Gucci Gg Print Single Breasted Coat. May pulang scarf rin ako sa leeg. Naka-layer ang suot ko dahil malamig. Tumalikod ako at bumaba na. Naisip ko na lang na kumuha ng pictures sa ibaba.

Mukha akong tanga. Apat na araw na akong nag-iikot pero sa pag-iikot na iyon ay wala akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Alalang-alala ako kay Popsi.

Paano kung naaapi na siya roon? Paano kung sinasaktan siya roon? Paano kung pasa-pasa na ang mukha niya at paano kung ikulong siya sa bartolina? Kawawa naman ang Popsi ko! Kasalanan lahat ito ni Adriano Kaligayahan! Sana maging kalungkutan na siya.

"Putang ina mo!" sigaw ko ulit. "Mabali sana iyang burat mo!" sigaw kong muli habang nagte-take ng pictures.

Napatingin na naman sa akin ang mga turista. Iyong isa nga, pinanlakihan ko pa ng mata sabay fuck you sa daliri. Hindi man kami nagkakaisa ng lengwahe, alam kong naiintindihan niya ang sinabi ko.

"Gago!" sigaw ko pa. Muli akong napahikbi sabay selfie. Ipapakita ko kay Popsi itong mukha ko. Ipapakita kong hindi ako nag-e-enjoy!

Bandang alas siyete ng gabi ay naglakad na ako pabalik sa hotel. Maganda naman dito sa Barcelona. Maraming ilaw, pero marami ring ilaw sa may Taguig. Pag-umakyat nga ako ng Antipolo, makikita ko rin itong mga punyetang ilaw na ito. Nakakaloko.

Must Get OutOnde as histórias ganham vida. Descobre agora