Wattpad Original
There are 2 more free parts

Challenge # 03

76.5K 3.7K 1.9K
                                    

Maria Bobo

Avery's

     

Jet lag yata iyong tawag dito. Kanina ko pa kasi sinusubukang matulog dahil nararamdaman ko iyong pagod sa katawan ko pero hindi ko magawa. Maliban sa naririnig ko si Annie sa kanilang kwarto habang umiiyak pa rin dahil sa nangyari kay Adriano Kaligayahan, hindi rin mawala sa isipan ko si Popsi at ang nangyari kanina. Kauuwi ko lang tapos may putukan agad sa courthouse! Mabuti na lang at hindi napuruhan ang tatay ko at ang uncles ko. I am glad that my mom is okay too. I just want my Popsi to come home para masaya na ulit kami.

Sa totoo lang, ilang panahon na rin akong nalulungkot. Our home used to be the loudest. Lima kaming magkakapatid na babae na halos magkakalapit ang age gap. Sabay-sabay kaming lumaki, sabay-sabay kaming nagdadalaga. Nag-aaway kami pero mas lamang pa rin ang happy memories. I love the noise in our home.

Dati, pagkagising ko pa lang, maririnig ko na si Ate Reese na kinakatok kami isa-isa, but that stopped when she got married and she had to leave home. Matagal namang nasundan, mga limang taon, nung si Aelise naman ang nawala. She's living in Bulacan now and it's kind of sad. Ang alam ko, una niyang plano na dito sila ni Sabello titira, but Sabello is needed in their hacienda. Then it was Leina's turn. Although, dito rin sila nakatira sa village namin, hindi naman na siya rito nakatira. I hear her voice a lot because she loves singing, making contents for her vlog . . . now it's only me and Annie. Nagka-count down na nga ako. Alam kong isa sa mga araw na ito, aalis na rin siya. I used to believe that she'll get married with Adi, but considering the turn of events, I guess she'll just leave because she's too sad.

I stood up and got out of my room. Nakita ko si Momsi na nakatayo sa tapat ng pinto ni Annie. She was crying, too. Lumapit ako para yakapin siya at pakalmahin.

"Momsi, bakit gising ka pa? Dapat maganda ka bukas, di ba dadalaw tayo ka Popsi?"

She looked at me. "Hindi pa natitigil si Bunsoy. Kanina pagdating namin, iyak siya nang iyak. Nasasaktan ako. Napakabata pa ng kapatid mo para magkaganito."

"Sige na po. Ako nang bahala." I kissed her cheeks tapos ay hinatid ko siya sa room nila ni Popsi. Binalikan ko si Annie.

Gising pa siya pagpasok ko ng kwarto niya. Nakatagilid siya at iyak nang iyak. Humiga ako sa kama niya at niyakap siya. Humarap naman siya sa akin.

"Hindi si Adi iyon di ba?" She sobbed again.

I just looked at her. Naiintindihan kong in denial siya, hindi ko siya sinagot.

"Everything will be fine." I wiped her tears. "H'wag ka nang masyadong umiyak, okay?"

Siniksik niya ang mukha niya sa dibdib ko. Awang-awa naman ako sa kanya. Hinaplos-haplos ko ang likod niya hanggang sa nakatulog na rin siya. Ako, dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Hindi talaga ako makatulog. I kept thinking about our father . . .

Pero sa gitna ng pag-iisip ko kay Popsi, pilit sumisingit iyong putang inang si Uriel Consunji. Nakakaloka. Bigla kong naisip iyong boses niya sa tainga ko. Bigla kong naalalang malinaw na malinaw niyang ibinubulong sa akin ang "Can I cum inside you?"

Hindi lang iisang beses niyang tinanong iyon, marami yata. Pero most of the time, parang walang tanong-tanong, go agad. Nakakaloka ang putang ina.

Oh, well, ayos na lang rin iyong nangyari sa akin sa Barcelona, experience iyong kumbaga. Hindi naman na mauulit at hindi na rin naman kami magkikitang dalawa. Sigurado ako roon, susko, hindi naman ako lumalabas ng bahay.

Pero grabe, kung tutuusin, ang gwapo niya. Akala ko, totoong gwapo na si Kuya Narcing at Kuya Don, pero mas may gwapo pa pala sa kanila. I was never into physical looks, mas gusto ko iyong matalino, kahit hitsurang flat na tukneneng, walang kaso sa akin, pero si Uriel Consunji, napakagwapo, napakasarap pa!

Must Get OutWhere stories live. Discover now