HE LIKES ME TOO!

46 3 0
                                    

"HE LIKES ME TOO!"
Written by: ITSYOURGIRLKAILEIGHN(Sveia V. Satrikana)

Alas-sais na ng gabi, nakatambay pa ako sa bahay ng kaibigan slash kaklase ko na si Veiah dahil gumagawa kami ng project. Since magkapit-bahay lang kami, at magkaibigan ang mga nanay namin.

"Uy! Heia, sabi ni mama dito ka na raw maghapunan." Agad naman akong tumango habang nagdidikit ng last na design sa cover ng project namin. "Sige, sige. Pakisabi kay tita salamat kamo." Saad ko at pinagpatuloy ang ginagawa. Nang matapos na namin ang project, niligpit na namin ang pinagkalatan namin dito sa study room ni Veiah. At nagtungo na sa hapag-kainan.

"Thank you po, tita, sa hapunan!" Masayang sambit ko at nagpaalam na. "Ma, hatid ko lang 'tong si Heia" Pagpapaalam ni Veiah sa kaniyang ina. Habang naglalakad kami ay nagk-kuwentuhan naman kami ng kung anu-ano. "Uy, teh, 'di ba si Kino 'yon?" Agad naman akong napatingin sa tinuro ni Veiah at dahil narinig ko ang pangalan ng crush ko, agad akong napangiti. "Mag-confess ka na kasi, hiyang-hiya ampota." Napatawa naman ako sa sinabi ni Veiah.

Hinatak ko siya papunta sa tindahan kung saan nakapuwesto sina Kino at ang mga tropa nito.

"Pabili po!" Tawag ko sa tindera at naghahanap ng puwedeng bilhin. Nagulat naman ako biglang sumigaw ang isa sa mga tropa ni Kino. "Aling Nena! Pabili raw ho!" Napatingin naman ako kay Veiah na ngayon ay nakakapit sa braso ko at pulang-pula. Pa'no ba naman hindi magb-blush eh, crush niya ang sumigaw. Si Kd, tropa ni Kino. "Isa nga pong Piattos at coke. Ikaw, Veiah? Anong gusto mo?" Tanong ko at itinuro ang Cracklings at bumili na rin ako ng isang coke. Magbabayad na sana ako ng hindi ko makapa ang wallet ko.

"Nasaan na 'yon? Teka lang ho, Aling Nena ha." Hanap ako nang hanap sa wallet ko pero hindi ko makita. "Teh, hawakan mo nga 'to, balik lang ako sa bahay niyo. Baka naiwan ko sa study room mo ang wallet ko." Sambit ko, tatakbo na sana ako nang may isang boses na nagpahinto sa akin. "Ito ba ang hinahanap mo?" I blinked twice when Kino speaks. "A-ah, o-oo. Iyan nga, ba't nasa iyo ang wallet ko?" Utal-utal kong sagot at nagtanong sa kaniya. "I will tell you later in one condition." Napataas ang dalawang kilay ko at sinagot ito.

"Condition, what?" Tanong ko at sumagot ito. "I-crushback mo ako." Nagulat ako sa sinagot nito at halos maluwa ang mata ko sa sinabi nito. "A-ah, p-pakiulit nga-" naputol ang sasabihin ko nang biglang sumingit si Aling Nena. "Ano? Magbabayad ba kayo o hindi?" Natawa sina Veiah at ang tropa ni Kino, at nagulat ako ng maglabas ng pera si Kino at ibinigay kay Aling Nena ang pera. "Keep the change po." Aniya Kino.

"Okay, again. I said i-crushback mo ako at ibabalik ko sa 'yo itong wallet mo." I blinked again and speaks. "No need, wanna know why?" Confidence kong tanong at sumagot ito. "Why?" saad nito "No need to crushback you, Kino. Dahil gusto na kita matagal na." I gave him a sweet smile and he smiles back to me. "Good god, thank you. Finally! Yes! Crush rin ako ni Heia!" Nagsusumigaw ito at nagsitilian at tinutukso-tukso kami ni Kino.

Shet, gusto niya rin pala ako! Owemjieee!

THE END.

- WORK OF FICTION.
- ONESHOT STORY.
- PLAGIARISM IS A CRIME, so don't you dare to steal my work.
- follow me at wattpad using this username: @ItsyourgirlKaileighn
- kaiii for a/a

ONESHOT STORIES by kailellesxczWhere stories live. Discover now