BATANG AMA

29 4 0
                                    

“BATANG AMA”

“Gavin! Pumarine ka nga!” Agad naman akong lumapit kay mama at nakita ko itong naglalagay ng lipstick.

“Ma? Bakit po?” Kakamot-kamot kong tanong sa kaniya. “Bantayan mo bunsong kapatid mo, at ako’y magtutungo sa Tita Lauren mo.” Tumango ako at lumabas na ng kuwarto nila mama. Saka tinungo ang baby crib ng kapatid.

“Hello bunso kong napacute,” Sambit ko nang maikarga ko ito sa aking mga braso. “Gusto mo stick-o?” Ngumiti ako nang humagikgik ito. “O’sige, bibili tayo.”

Alas-kuwatro ng hapon kaya naisipan kong pagmeryendahin ang kapatid kong lalaki na baby pa. Bumili kami ng stick-o, biscuit at juice sa tetra pack.

Tumambay muna kami sa tindahan na pinagbilhan namin sakto namang nagsidatingan ang mga tropa ko.

“Uy, p’re anak mo?” Tanong ng isa kong kaibigan.

“Oo nga, anak mo ba ‘yan, ‘tol?” Tanong rin ng isa ko pang kaibigan. Habang ako ay binubuksan ang biscuit saka binigay ang isa sa kapatid.

“Mga bano, hindi.” Sagot ko rito.

“Eh, ano mo iyan?” Sabay-sabay nilang tanong.

Pinunasan ko muna ang gilid ng labi ng kapatid ko saka sila sinagot.

“Bunso kong kapatid.” Natawa naman silang lahat sa sinagot ko.

Anong nakakatawa?

“Ang cute naman ng kapatid mo, tol. Pakarga nga.” Muling humagikgik ang kapatid ko sa kanila at nagpakarga.

Naku! Kapatid pa ba kita mas gusto mo pa yata sa kanila e!

“Hello baby, gusto mo toys? Marami si kuya sa bahay bigay ko na lang sa ‘yo.” Nakangiting sambit ng kaibigan ko.

“May bunso akong babae, baby rin. Tara sa bahay laro kayo.” Natawa kami sa sinabi ng isa naming ka-tropa. “Sira, ano lalaruin nila? Barbie doll at saka doll house? Lutu-lutuan? Are you gagaoing us?” Agad kong kinarga muli ang kapatid ko at sabay takip sa tenga niya.

“Shh, huwag nga kayong magmura sa harap ng bata.” Suway ko rito at napatigil kaming lahat ng magsalita ang kapatid ko.

“Kuya, anow pwo awng gagowing?” We blinked twice at napamura na lang ako sa isip ko.

Tarantado talaga.

THE END.

—Written by: Kaileighn Satrikana Scrivener
—Wattpad username: ItsyourgirlKaileighn
—Dedicated to: Gavin Alfaro
—CTTRO TO THE PICTURE: Gavin Alfaro
–PLAGIARISM IS A CRIME, if you steal my work you will be punish by law.
–@kaiii for acceptance, collaborations, dedications.

ONESHOT STORIES by kailellesxczWhere stories live. Discover now