TULA NA PARA SA AKIN

4 1 0
                                    

TULA NA PARA SA AKIN

WRITTEN BY: KAILELLESXCZ | ELLA MAE B. ADRIATICO



Abala ako sa paglilinis ng aking kuwarto dahil ngayon lang ako nagka-oras na linisin ito. Tanghaling tapat na rin at malapit na rin naman ako matapos, ang una kong nilinis ay ang aking damitan, sumunod naman ang aking kabinet na puro make-up at iba't ibang abubot.

Nang matapos ko linisan ang mga iyon, hinuli ko ang aking kama. Kung saan may gamit din ako sa ilalim n'on.

Tinanggal ko muna ang kobre-kama, sapin ng aking ga unan at maaalikabok na stuff toys. Hinugot ko ang isang drawer sa ilalim ng aking kama at bumungad doon ang mga nakatagong regalo at balat ng mga chocolates na galing sa aking unang nobyo.


"Nandito pa pala ang mga 'to?" Agad kong kinuha ang bilog na lata ng cookies at binuksan iyon. 


Bumungad sa akin ang dalawang papel na nakatupi. Tila nanumbalik ang mga alala ng nakaraan sa amin nang basahin ko ang laman ng mga papel na iyon.


UNANG TULA:

"Ikaw ay Kakaiba"

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

"Ikaw ay Kakaiba"

Minsan itsura na ang basehan,

panglabas na kaanyuan ang batayan,

dapat kaaya-aya kang tignan,

dapat pasado ka sa mapanuri nilang paraan.


Kaya minsan nakakawalang-gana na lang,

kakaiba na ang pagtingin ng sangkatuhan,

gagawing biro ang katawan,

pananamit ay pandidirian.


Kaya kung hahayaan mong lamunin ka nito,

ikaw ang talo.

Subukan mong tanggapin ang sarili mo.

Manatili ka sanang totoo.


Dahil ang tunay na ganda ay hindi sa panlabas na kaanyuan nakikita,

ONESHOT STORIES by kailellesxczDove le storie prendono vita. Scoprilo ora