MAYBE IN PARALLEL WOLRD? (LAST PART)

5 0 0
                                    

MAYBE IN PARALLEL WOLRD?
(PART 02)
written by: @kailellesxcz



Continuation...

“Elle...”

Napawi lahat ng aking luha at napalitan naman ito ng pananabik sa kaniyang boses.

May halong pagtataka at pag-aalala sa kaniyang mga mata.

Agad kong pinunas ang aking mga luha sa aking mukha at matapang na hinarap siya.

“Zian, bakit?” Kaswal kong tanong.

“Ayos ka lang ba?” Tanong din niya nakagat ko naman ang pang-ibaba kong labi.

“A-ahh... Oo, ayos lang ako huwag mo ako alalahanin.” Sagot ko at ngumiti sa kaniya.

Hindi ko alam sa tuwing nandito ka sa harapan ko, tanging kaba ang lagi kong nararamdaman.

Hindi naman ito ang una naming pagkikita, pero nakakapanibago sa kalagayan namin ngayon.

Wala na ako at siya, wala ng kami.

“Parang hindi naman, e.” Aniya at kinuha ang aking braso, “halika, sumama ka sa akin, gusto kita makausap ng tayo lang.” Nagsimula na itong maglakad at ang nagawa ko na lamang ay sumunod sa kaniya. Lumingon ako sa kinaroroonan ng aking mga kaibigan at sinabing ‘kaya mo ’yan!’

Mabibigat ang bawat paghinga ko, heto na naman ako sa pagiging kabado ko.

Tungkol saan ang sasabihin niya?

“Elle,” pagtawag nita sa aking pangalan ng makarating kami sa rooftop. Hindi ako umimik at hinintay na lamang siyang magsalita.

“Alam kong tapos na tayo, pero ang tanging hiling ko lamang sa iyo na sana ipahinga mo muna ang sarili mo sa pag-ibig na ’to. Ayokong nahihirapan ka ng dahil sa akin, ayokong nakikita kang nalulugmok sa akin...”

Napayuko ako sa litanyang inilalatag niya sa akin, unti-unting namumuo ang luha ko sa aking mga mata.

Iniangat niya ang aking mukha upang masilayan ito.

“Elle, marami pa riyang iba, makakahanap ka pa ng lalaking mamahalin ka ng lubos—”

“Pero ikaw lang ang mahal ko, Zian. Ikaw lang ang lalaking mamahalin—” naputol ang sasabihin ko ng ilapat niya ang hintuturo sa aking labi.

“Shh, huwag ka masyadong makontento sa akin sapat na ang dahilan na nangyari sa ating dalawa upang kamuhian mo ako.” Aniya pa niya.

Hindi ko magagawang kamuhian ka, mahal ko.

“Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng bago, sarili mo muna ang intindihin mo. Elle, masaya ako kapag masaya ka. Malungkot ako kapag malungkot ka, kaya sana kapag tuluyan na tayong hindi pinagtagpo ng landas, tuparin mo sana ang mga hiling ko sa iyo.”

Tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha.

“Ang hiling ko sana ay maging masaya ka, tuparin mo lahat ng mga pangarap mo, ipagpatuloy mo ang pagsusulat ng nobela, tuparin mo ang nais mong maging Flight Attendant, tuparin mo lahat iyon. Hiling ko rin na sana paka-ingatan mo ang Elle na minahal ko mula noon at hanggang ngayon.” Tanging pag-iyak na lamang ang nagawa ko kaya’t hinila niya ako palapit sa kaniya upang yakapin ako.

“Stop crying na, ayokong umiiyak ka.” Pagpapatahan niya sa akin.

Niyakap ko siya ng mahigpit at sinubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Hinaplos ang aking buhok pababa sa aking likuran upang aluhin ako.

“Maybe in the parallel world ay muli tayong pagtagpuin ng tadhana at muli nating maipadama ang walang katapusang pagmamahalan, baka sa susunod nating buhay ay tayo rin ang magkatuluyan.” Huling sambit niya at pinunasan ang luhang pumatak mula sa kaniyang mga mata at saka hinagkan ang aking noon.

“Mahal na mahal kita, Elle.”






WAKAS.

Thank you for reading! See you on next story, iloveyouuuuu, my kaians! Don’t forget to like and share!

BASED ON MY TRUE STORY.

ONESHOT STORIES by kailellesxczWhere stories live. Discover now