prologue

639 16 1
                                    

Interview. Unang yugto upang makaangat sa hirap.

At ngayong araw iyon.

Nakakakaba, pero may parte ring nakaka-excite.

Pagkatapos kong grumaduate bilang summa cum laude sa isang simpleng unibersidad, mangilan-ngilang kompanya ang naghahabol sa‘kin.

Pero sa huli ay mas pinili ko ang kompanyang walang kaingay-ingay sa‘kin. Ang kompanyang ni-rekomenda ng kaklase ko noon sa kolehiyo.

Nabasa ko naman ang salary ng mga nagta-trabaho dito. Galante siguro ang may-ari netong kompanya dahil sa taas ng suweldo sa isang buwan.

Nagkataon naman na hiring sila ng secretary, kaya bakit hindi ko subukan? Dba.

"Ate..."

Lumingon ako sa pinto ng kuwarto ng marinig ko ang boses ng kapatid ko. Graduating student na rin siya ngayon sa elementary.

"Good luck."

Napangiti ako dahil doon. Binigyan niya ako ng tsokolate na malaki ang ngiti kong tinanggap.

"Gagalingan ni Ate para sa‘yo." Sabi ko dito na ikinangiti niya.

Si Gravs na lang ang meron ako. Hindi ko na kayang magpatuloy sa buhay kapag nawala pa ‘to sa‘kin.

She's only four months old noong mamatay ang mga magulang namin. They died from a car accident na hanggang ngayon hindi pa rin nabibigyan ng hustisya.

"Pumunta ka muna kila ate Ahiya mo habang wala ako. Stay there for awhile, okay?" Bilin ko sa kapatid ko. Tumango lang naman siya.

Pinalabas ko na siya dahil patapos na rin naman ako mag-ayos. I just wore a simple khaki trouser at blouse. Presentable naman tignan.

Kinuha ko na ang mga requirements ko at ang bag ko. Naabutan ko sa labas ang kapatid kong kakapalit lang din ng damit.

"Tara na" Aya ko dito.

I double checked the electricity and water, pinatay ko ang mga iyon bago lumabas sa bahay. Ni-lock ko na rin ang pinto.

"Wag kang pasaway kila Ate Ahiya mo ha?" Bilin ko pa sa kapatid ko habang naglalakad kami papunta sa kaibigan kong si Ahiya.

Tumango lang naman ang huli.

Nang makarating kami sakanila ay kumatok ako. Ilang katok pa ang ginawa ko bago bumukas ang pinto.

"Hi bff! Hi Gravs!" Bungad ni Ahiya na malaki ang ngiti sa labi.

"Pasuyo muna si Gravs, Ahiya. Interview ko na ngayon e." Pagmamakaawa ko sa babae.

"Sure! Good luck." Masiglang sabi neto.

Lumapit sakanya si Gravs. Malaki naman ang tiwala ko kay Ahiya, sigurado namang safe sakanya si Gravs.

"Salamat" Sabi ko sakanya. Ngumiti lang naman siya.

"Sige. Ipasa mo ‘yan ha, ingat ka." Dagdag ni Ahiya na sinuklian ko lang ng ngiti.

Naglakad na ako paalis doon. Pahirapan pa kasing makasakay.

Kung hindi lang mataas ang pamasahe ng grab o taxi ay doon na ako sumakay.

Pumara ako ng jeep na hindi masiyadong siksikan. Sumakay ako.

Pagkatapos kong sumakay ng jeep ay kailangan ko ulit mag-tricycle pagkatapos.

Buti na lang ay nag-ipon na ako ng mga barya noon. Mapapasubok na ata ako neto ngayon.

Ilang minuto lang naman ang byahe sa jeep kaya hindi ako nagtagal doon. Agad akong pumara at nagbayad nang makarating ako sa destinasyon.

I approached the tricycle na naghahanap ng pasahero.

Inlove With An Insouciant (CTR series #3)Where stories live. Discover now