chapter 3

306 18 2
                                    

It's lunch time. May canteen naman sa first floor ng company kaya hindi na ako nag-aksayang lumabas pa.

Wala naman akong masiyadong ginagawa, bukod sa mga meetings ni Miss Ave ngayon.

Oo, meetings. Sunod-sunod hanggang alas sais. Umaga pa lang naman.

Bumili lang ako ng adobo rice at adobo na ulam mismo bago naghanap ng bakanteng upuan.

Umupo ako pang-apatan na upuan. Nagsisidatingan na rin ang ibang employee sa canteen.

"Hi. Pwede maki-upo?"

Mula sa pagkain ay napatingin ako sa nagsalita. Malaki ang ngiti neto.

"Sure." I said kaya umupo siya sa harap ko.

"I heard you're Miss Ave new secretary?" Daldal niya.

Dahil may nginunguya ay tumango ako sa naging tanong niya.

"Masungit ba siya?"

Masungit nga ba? For my observation, hindi naman, na oo. May attitude rin naman si Miss Ave, pero hindi ganon kalala. It's just that her eyes at pagiging snobber niya ang nagiging masungit sakanya.

"Oo" I lied. Baka kasi madami pa siyang tanong kapag nag hindi ako.

"Sana magtagal ka sakanya. Ang daming nag resign dahil sa kasungitan niya e."

Napangiwi ako. Ang daldal niya rin pala no?

"Wala sa isip ko ang mag resign. This is an opportunity for me, hindi ko sasayangin. At kung masungit man si Miss, mahaba naman ang pasensya ko." Sabi ko.

"Nako. Ayan din sabi sa'kin ng mga naunang employee, pero ang iba ay nasisisante o nagreresign dahil nga
sa ugali niya–"

"You will be the next."

Parehas kaming nanlamig sa boses na narinig. Kahit kinakabahan ay nagawa kong mag-angat ng tingin sa babaeng nasa likod ng kaharap ko.

Walang emosyon ang kaniyang mga matang nakatingin sa nasa harap ko. Wala sa oras akong napatayo.

"M-miss..." Kinakabahang tawag sakanya ng nasa harap ko.

Tumayo ito at lumuhod sa harap ni Miss Ave na ikinagulat ko.

"Wag mo akong tanggalin, Miss. Hindi ko sinasadya." Pagmamakaawa neto. Nagbubulungan na rin ang ibang employee.

Teka? Anong ginagawa ni Miss Ave dito? Pwede naman niya akong tawagan kung may iuutos siya...

"Get up, that's nonsense. I don't want to see your face starting later." She coldly said sa taong nasa harap niya.

I met her eyes when it landed on me. Kinakabahan ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Parang ang dangerous niya ngayon, hindi niya man pinapakita pero nararamdaman ko naman.

Mukhang hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nung nasa harap ko, whatever her name is.

"Come with me." Sabi niya bago tumalikod at naglakad paalis. Her walk is also powerful, na kulang na lang ay lahat ng taong makasalubong niya ay lumuhod sakanya.

"Are you deaf?"

Nabalik ako sa reyalidad ng lumingon ulit eto sa'kin, at tumingin sa'kin.

"S-sorry Miss..."

Mabilis akong naglakad para mahabol siya. Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ako sa elevator niya kung hindi niya lang ako tinaasan ng kilay.

When the door closed, biglang kumalabog ulit ang dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, para bang kinakabahan na natatakot.

Inlove With An Insouciant (CTR series #3)Where stories live. Discover now