chapter 2

379 18 4
                                    

Malasin ka nga naman. Handa na sana akong umuwi pero bigla namang umulan nang malakas, wala pa akong dalang payong.

Half day lang ako ngayon dahil wala pa naman daw akong masiyadong gagawin. Sakto nga at masusundo ko pa sana si Gravs, pero biglang umulan.

"Nakakainis naman." Bulong ko sa sarili ko habang naghihintay tumila ang ulan. Para nga akong tangang nakatayo dito sa tapat ng kompanya, sa may silong pa.

Nilabas ko ang cellphone ko para i-text si Gravs. She have her own phone naman, kaya mapapadali lang ang komunikasyon ko sakanya.

Sinabi ko sakanyang 'wag muna siyang umuwi dahil baka masusundo ko siya. Pagkasend na pagkasend ko non ay biglang may bumusina sa harap ko.

It's a bugatti sports car. Bumaba ang bintana neto, revealing Miss Elisa in the driver seat.

"Sumabay ka na!" Sigaw niya na malinaw sa pandinig ko.

Ako sasabay? Nako po, wala pa akong kakapalan ng mukha.

Umiling ako. "Huwag na po, salamat!" Sigaw ko.

Umiling naman ang isa. "C'mon. Ang lakas ng ulan, mamaya pa 'yan titila." Pagpupumilit niya.

Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan ko bago patakbong lumapit sa sasakyan niya. Pero halos nabasa lang din dahil hindi ko alam kung paano buksan ang pinto.

Napaatras ako nang bigla etong bumukas nang kusa. Agad na akong pumasok ng tuluyan na etong bumukas, baka magkasakit pa ako.

"I'm sorry for that," Ani ni Miss Elisa at may kinuha sa backseat. "Here, dry yourself."

Tumingin ako sa hawak niya. It's a mini towel. Imbes na magpakipot pa ako ay kinuha ko na lang eto.

"What's your address?" Tanong neto.

"Paki-drop na lang po ako sa school malapit sa dapitan street." Sagot ko habang pinupunasan ko ang buhok ko.

Buti na lang ay waterproof ang tote bag ko, kung hindi ay basang-basa na ang mga gamit ko.

"No, let me bring you to your house." Sabi niya. Ang kulit din.

"Uh..." Lumingon ako sakanya pagkatapos kong punasan ang buhok ko. "Susunduin ko pa po kasi 'yung kapatid ko sa school." I said.

"What school? Let's just fetch your sibling."

Nagsimula na siyang magmaneho palayo doon.

"Dapitan Elementary School po." Sagot ko. Tumango lang naman ang huli.

Nilabas ko ang cellphone ko para ma-check kung may reply si Gravs. Hindi naman ako nabigo.

Sinabi ko sakanya na masusundo ko siya, at maghintay lang siya sa labas ng gate nila.

Sobrang lakas ng ulan, buti na lang ay kaunti lang ang mga sasakyan, kung hindi ay paniguradong traffic na.

"Miss..." Pagtawag ko sa atensyon ng katabi ko. Lumingon naman siya sa'kin saglit bago ibalik ang tingin sa daan.

"Thank you." Sabi ko.

"Just call me, Eli." Sagot niya. Ngumiti na lang ako.

Hindi ba ang awkward non?

"I'm interested on you, August."

Napaubo ako dahil sa sinabi niya. Narinig ko ang malakas niyang halakhak.

"Not a like, but interested to be your friend." Dagdag niya. Bakit kasi hindi nililinaw?

"Ang layo ng agwat natin para maging magkaibigan, Mi- I mean Eli." Sabi ko nang maka-recover sa pagkakaubo.

Inlove With An Insouciant (CTR series #3)Where stories live. Discover now