chapter 4

273 16 7
                                    

Kahapon, kapatid niya ang nag hatid sa'kin. Tapos ngayon, siya naman.

Madami pa namang public transportation pero hindi niya ako hinayaang mag commute mag-isa.

Sa totoo lang, anong nakain netong boss ko? Bakit parang biglang bumait bigla?

"Hanggang dito na lang sa labas ng kanto. Madaming tao sa may kanto namin." Sabi ko pero tumingin lang siya sa'kin saglit bago ibalik ang tingin sa daan.

"Where?"

Tinuro ko 'yung kanto papasok sa bahay namin.

Tignan mo nga at ang kulit! Sabi na ngang madaming tao sa loob ng kanto pero pinasok pa rin talaga ang sasakyan.

Nakakahiya tuloy bumaba. Iisipin nanaman ng mga chismosa dito na kung sino-sinong mayayaman ang kinekerengkeng ko.

"Dito na lang" Tinuro ko ang bahay ni Ahiya. Sigurado naman akong nandiyan si Gravs.

Huminto siya sa tapat ng bahay niya, at tama nga ako, agad kaming pinalibutan ng mga tao.

"Wag ka ng bumaba. Dudumugin ka lang nila." Sabi ko. Wala siyang sinabi pero nakatingin lang siya sa'kin.

"Salamat sa paghatid. Drive safe." Sabi ko bago tinanggal ang seatbelt. Kung hindi dahil sa kambal niya hindi ako matututo mag lagay at tanggal ng seatbelt e.

Bumaba na ako mula sa sasakyan niya, tama nga ako dahil pinagtitinginan nanaman ako ng mga tao. Parang kahapon lang.

Tinahak ko ang daan papunta sa pinto ng bahay ni Ahiya. Kakatok na sana ako ng may marinig ako.

"Deserve mo lang 'yan!! Nanggigigil ako sainyong magkapatid!"

Agad kong binuksan ang pinto nang may puwersa ng marinig ko ang iyak ng kapatid ko.

Bumungad ang posisyon nila ni Ahiya. May hawak na walis si Ahiya at ang kapatid ko ay tinatakpan ang sarili. Punong-puno ng sugat at duguan na ang ibang parte ng katawan niya. Parang binugbog

Bumalik ang tingin ko kay Ahiya at parang nandilim bigla ang paningin ko.

Bigla niyang nabitawan ang walis nang tumingin ako sakanya. Binaba ko ang bag ko at sinugod agad siya ng sampal.

"Ano 'to?!" Galit kong sigaw.

"A-ate..."

I pulled her shirt shirt's colar at hinarap sa'kin ang mukha niya. Namula agad ang pagkakasampal ko sa pisngi niya.

"Ano?! Deserve niyo 'yan! Mga sagabal!" Sigaw niya kaya wala sa oras ko siyang nasuntok that caused her lips to bleed.

"Pinagkatiwalaan kita hayop ka!"

"A-ate t-tama na..."

Walang awa kong mahigpit na sinabunutan ang buhok niya para iharap sa'kin.

"Sinabi ko na sa'yo noon na ayaw na ayaw kong may nananakit sa kapatid ko! Tarantado ka pala e!" Galit na sigaw ko mismo sa mukha niya bago siya bigyan ulit ng malakas na sampal sa kabilang pisngi niya.

Nandidilim ang paningin ko. Parang ang layo ko ngayon sa normal kong sarili.

Kaya ayaw na ayaw kong nagagalit dahil nakakapanakit ako ng tao. Pero ngayon? 'Wag na. Sinaktan niya ang kapatid kong walang kalaban-laban.

"Pagsisisihan mo 'to hayop ka." Madiin kong sabi bago hinila pa lalo ang buhok niya.

"Shit" Daing niya sa sakit. Mas dumadami pa ang paglabad ng dugo sa gilid ng labi niya.

"August..."

Parang natauhan ako nang marinig ko ang boses na iyon. Sunod-sunod akong kumurap at napatingin sa harap ko.

Inlove With An Insouciant (CTR series #3)Where stories live. Discover now