Chapter 2

12 2 0
                                    

Mall

Katatapos lang ng shift ko bandang alas kuwatro ng hapon. Tinulungan ko na sila Mama G na mag-ayos ng mga gamit at tumulong na rin ako sa pag-aayos ng mga basura at kalat.

Saktong pagdating ni Aj ay tapos na akong ligpitin lahat ng kailangang ayusin at nakaayos na ang mga gamit ko sa pag-uwi.

"Tara?" Sumunod ako sa kaniya.

"Saan?"

"Mall. Shopping tayo para ma-relax ka naman. Mukha ka na kasing si Chuckie Doll hindi na si Annabelle." Piningot ko ito sa tainga bago siya tignan ng masama.

"Alam mo, kung puro ka kalokohan, wag na lang." Naglakad na ako palabas ng restaurant bago nag-abang ng jeep. Sumunod ito sa likuran ko bago ako akbayan.

"Eto naman hindi mabiro. Come on, manood tayo ng sine? At saka balita ko maraming nilabas na bagong libro sa bookstore. Libre kita, ayaw mo?" Umalon pataas-baba ang kilay nito habang nakangisi.

"Oo na! Basta ba libre, game!"

Nakarating kami sa mall eksaktong alas-singko na ng hapon. Marami pa ring tao sa loob kahit na nag-aagaw na ang liwanag at dilim.

"Saan mo gustong pumunta? Sa bookstore o sa food court?" Napaisip naman ako.

"Kain muna tayo. Kanina pa ako nagugutom."

Pumunta kami sa food court at nag-order lang ng dalawang kanin at dalawang order ng sisig itong si Aj. Akala ko mag-oorder na naman ito ng marami pero hindi pala.

"Saan ka pala galing kaninang umaga? Bigla-bigla ka na lang sumusulpot sa kung saan, eh." Nilunok muna nito ang kaniyang kinakain bago sumagot.

"Sa bahay. Dumating 'yung mga pinsan ko and they want us to have a reunion. Mom is also there."

"Ah, andun ba si Baby Sia? Miss na miss ko na 'yung batang 'yon, eh!"

"Yeah. Diretso tayo sa bahay mamaya if you want, ikaw na rin magluluto."

"Wow ah! Ako na nga 'yung bibisita, ako pa magluluto? Grabe!" Umismid lang ito bago uminom ng tubig.

"By the way, next week na 'yung pasukan. Would you like me to tell mom to give you a scholarship? Para may kasama naman ako sa school. I was friendless and lonely kase." Inirapan ko ito bago tumawa.

"Ikaw? Walang kaibigan? Heh! Biruin mo na ang lasing wag lang ang maganda." Umakto naman itong nasusuka.

"Don't imagine. Pero seriously, do you want to be a scholar?"

"Nakakahiya, uy! Kayo na nga nagbigay sa'kin ng trabaho tapos bibigyan niyo pa ako ng scholarship? Naku, wag na!"

"Tss. Sayang 'yang talino mo kung hindi mo gagamitin. Sige na, para may kasama naman ako dun!" Tumingin ako sa kaniya bago balingan ang hawak kong baso.

"Nakakahiya talaga..."

"Weh? May hiya ka? Naniniwala ako." Hinampas ko ito ng tissue.

"Talaga ba? Lalaking mais ang ulo?" Humawak ito sa dibdib niya na parang nasasaktan.

"How dare you?!"

Fall For Him, HarderWhere stories live. Discover now