Chapter 8

5 0 0
                                    

Invitation

Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil sa sakit ng ulo ko. Malas! Ano bang nangyari kagabi? Ang naalala ko lang, binuhat ako ni Aj dahil sa kalasingan at kumakanta ako habang sumisigaw bago ko maramdaman na inihiga ako nito sa kama. Pero bakit nandito ako sa kwarto ko ngayon? Di ba dapat nasa bar pa ako? Baka naman inuwi rin ako agad ni Aj dito.

Linggo ngayon, December 4. Malapit na pala 'yung birthday ni Aj.  Bumangon ako at pilit na iniinda ang sakit ng ulo bago hawiin ang kurtina na tumatakip sa bintana.

Alas cingco na pala ng umaga. Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Balak ko sanang magluto ng umagahan pero tumawag si Irish at sinabing susunduin daw ako nito para kumain sa labas. Ang daming arte.

Naligo muna ako at nagbihis habang inaantay na dumating si Irish. Nagsuot ako ng puting t-shirt at pinaresan ko ito ng jeans. Nagpolbo ako dahil alam kong mamamawis na naman ang mukha ko.

Kalahating oras siguro nang makarating si Irish sa apartment. Bumusina ito sa labas. Nagmamadali akong bumaba bago i-lock ng maayos ang gate ng apartment.

Sumilip ako sa bintana nito at imuwenistra niyang pumasok ako. Pagkapasok ko ay tinaasan ako nito ng kilay.

"Hayst, Camille. Hindi ba uso suklay sa'yo?"

Kinapa ko ang buhok ko at tama nga ito. Hindi pa ako nagsusuklay. Kasalanan ko bang makakalimutin ako?

"Sa bag ko. May suklay diyan." Umirap ito bago paharurutin ang sasakyan.

***

Nakarating kami sa isang simple pero elegant na restaurant. Maaga pa lang ay marami ng tao sa loob. Mahahalata mong mayaman ang mga kumakain sa loob base sa mga suot nilang mamahaling relo, sosyal na pananamit, mamahaling mga bag at iba pa.

Sinuri ko naman ang suot ko. Nanliit ako sa sarili. Parang gusto ko nang magmakaawa kay Irish na umuwi na lang kami at dun na lang sa apartment kumain. Pero pinanlakihan ako nito ng mata at hinila papasok sa mamahaling restaurant.

"Mukha akong basura na naligaw dahil sa suot ko!" pasigaw kong bulong dito.

"What? Eh, you look good naman sa suot mo. Don't mind them. Naiinggit lang sila sa'yo." Pilit nitong pangungumbinsi para hindi na ako magreklamo.

Umupo kami sa isang bakanteng lamesa at agad na lumapit sa amin ang isang waiter.

"Good morning to the both of you, ma'am's. What's your order?" formal nitong tanong.

"One order of homemade italian pizza, two order of chicken curry and rice, two order of iced coffee and two order of omelette." Nakangiting sagot ni Irish bago ako tignan.

"What about you, ma'am?" tanong nung waiter.

"Ah, the same order nalang." sagot ni Irish bago sagutin ang kaniyang cellphone na kanina pa tumutunog.

"Yeah? No, I'm with Camille. Yes, Dad. Okay, see yah later. Love you." Ibinaba nito ang tawag bago ako tignan.

"How's your sleep, my dear? Lasing ka raw kagabi. That's so funny! Who can imagined that the 'girl who was so serious about her studies and not into parties will get drunk? And the worst is she becomes a baby when she's drunk." Ngumisi ito ng nakaka-asar.

Fall For Him, HarderWhere stories live. Discover now