Chapter 3

10 2 0
                                    

Dinner

"Wah! Ate Ami!" Bulol na sigaw ni Sia pagkarating pa lang namin sa loob.

Agad itong tumakbo papunta sa akin at dali-dali ko itong binuhat sa aking bisig bago siya halikan sa pisngi.

"Hi baby! I miss you!" Humagikhik ito bago sumiksik sa leeg ko.

"Oh, nabasa ba kayo anak? It's raining outside. Come here, change your clothes and Camille iha, come with me." Ani Tita Amie bago ko ibaba si Sia.

"Dito ka muna, ha? Magpapalit lang ng clothes si ate." Ngumuso ito bago tumango.

Dali-dali akong sumunod kay Tita at na-realized kong papunta kami sa kwarto nito! Omg, ngayon lang ulit ako makakapasok dun sa tinagal-tagal ba namang hindi ako bumisita rito.

"Come in," Inalok ako nitong pumasok at tumigil kami sa tapat ng closet nito. "Are you cold? Here, wear my pajamas. Pwede kang maligo diyan sa bathroom iha." Nahihiya man ay kinuha ko na lamang ito dahil nga nilalamig na ako at infairness ulit dahil amoy downy itong damit ni Tita Amie.

Amoy mayaman ang downy ng peg!

"Sige po," Pumasok ako sa bathroom nila at sisimulan na sanang maligo ngunit hindi ko naman alam kung paano buksan itong tubo na may hinuhulog na tubig sa taas.

"Paano 'to? Hayst, ewan!" Doon na lamang ako sa parang sasakyan sumakay at pinakealaman ko iyong faucet nito bago bumuhos sa akin ang malamig na tubig.

Anong klaseng paliguan ba 'to? Bakit ang lamig naman ng tubig?

"Asan kaya 'yung sabon nila dito?" Hinanap ng mata ko 'yung sabon at natagpuan ko ito na nakalagay sa isang corner kasama ng ibang mga gamit ni Tita Amie.

"Alin ba dito 'yung mabango? May safeguard kaya sila dito?" Puro nagsisilakihang sabon ang nakikita ko at may mga iba't iba ring klase ng shampoo ang nakalagay rito pati na rin ang mga skincares at iba pa.

Sanaol mayaman!

Matapos kong maligo ay wala akong mahanap na tuwalya dito kaya ginamit ko na lamang ang damit na suot ko kanina bilang pamunas sa basa kong katawan. Nagpalit ako ng damit at wow! Ang bango!

Pagkalabas ko nang banyo ay naroon pa rin si Tita Amie at abala sa paghahanap ng hindi ko alam kung ano iyon sa kaniyang closet.

"Uh, ano pong hinahanap niyo?" Lumingon ito sa akin bago ngumiti.

"Ah, I'm finding the dress who once I used. Probably, giving it to you. Don't worry kase minsan ko lang 'to sinuot, hindi na kase kasya sa akin."

"Bakit po? Ano pong gagawin ko sa dress?" Malalaki naman ang mata nitong tumingin sa akin.

"Oh my gosh! You didn't remember?" Napasapo ito sa ulo. "Tommorow is my birthday that's why we will have a reunion together with my family and of course you. Didn't Andrew tell it to you?" Umiling ako.

"Hindi po, baka nakalimutan lang."

Humanda sa akin ang lalaking iyon!

Matapos mahanap ni Tita iyong dress daw na ibibigay niya sa akin ay nalaglag ang panga ko sa nakita.

Anong dress ito?!

Fall For Him, HarderWhere stories live. Discover now