Chapter 10

8 1 0
                                    

Avoiding His Presence

Sabado ngayon, balik na naman sa daily routine. Gigising ng maaga para pumasok sa trabaho tuwing weekends, pagka-uwi maglalaba, at kinabukasan ganon na naman, wala na akong day-off dahil kailangan ko talaga ng double time dahil isang buwan na akong di nakakapag-hulog ng bayad sa inuupahan kong apartment. Nakakahiya naman kay Aling Marla, iyong nagpapa-upa.

Nagpa-change ako ng schedule kay Mrs. Mercado which is si Tita Amie na ilipat na lang ako sa coffee shop nila dahil mas malaki ang kita ron at komportable pa ako.

Pumayag naman siya sa gusto ko pero hindi ko nga lang alam kung bakit nakangiti siya habang sinasabi sa akin iyon. Kaya andito ako ngayon sa kusina at hinihintay matapos itong brewed coffee na in-order ng isa sa mga costumer. Kanina pa ako nagugutom pero tinitiis kong kumalam ang sikmura ko dahil nakakahiya sa mga kasama ko kung kakain ako during work.

"Here's your order, Ma'am and Sir. Enjoy your day!" Masayang ani ko bago ilapag ang mga order nila.

"Pakilinis nga 'yung table five, Camille, thank you!"

Agad akong tumalima at pinunasan ang lamesang tinutukoy ni Rhea, isa sa mga kasama ko.

"No bro, you've got to be kidding!"

"I'm telling the truth!"

"Wow! Is this your coffee shop, bro? For real?"

"Halata ba?"

"Hindi niyo talaga aakalaing sa edad niyang bente dos, magkakaroon na 'yan ng sariling coffee shop!" Boses iyon ni Liam.

Ang kaninang matamlay kong diwa ay biglang nagising. Hindi naman sana si–

"Sir Andrew, good morning!"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pangalan ng lalaking ayoko munang makita! Anong gagawin ko?! Isip, Camille, isip!

"Nasaan 'yung girlfriend ko?" Boses iyon ni Aj. Hindi niya ako pwedeng makita! At dahil sa sobrang pagpapanic ko, nasagi ko iyong isang baso na nasa likuran ko. Malas!

"There you are," Naramdaman kong naglakad ito papalapit sa akin.

"What are you doing baby? Why did you close your eyes?" Tanong niya sa malalim na boses.

At dahil ayokong may isipin siyang iba, agad akong dumilat. Pero hindi ko ito matitigan sa mata. Naaalala ko na naman iyong mga nakakahiyang pangyayari sa resort na kung saan umamin ako ng wala sa oras!

"Oh, bro! Mind to introduce me with that chick?" Tanong ng isa sa mga kasama niya.

Hindi ko namalayan na nasa likuran na pala sila ni Aj dahil sa sobrang pag-iisip ko ng kung ano-ano.

"Too bad. This girl is mine." Magkasalubong na ang kilay nito bago harapin 'yung lalaking nagsalita kanina. "And what the hell did you say? Chick? Damn, fuck you!" Akmang susuntukin nito iyong lalaki nang pigilan siya ng mga kasama niya. Ito namang si Liam, tuwang-tuwa.

Bale apat silang lahat. Ito namang si Aj ay hindi maipinta ang mukha. Para siyang kamatis na bulok.

"Mga Sir, kung mag-aaway-away po kayo, please lang, pwede po kayong magrambulan sa labas." Sarkastikong ani ko bago sila irapan.

Fall For Him, HarderHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin