Chapter 12

2.5K 123 13
                                    

Samantha's

I was getting ready for our camping, I'm finished packing my clothes and ready to go.

"Sam, isama mo naman ako!" maktol ni Nami dahil ayaw ko talaga siyang isama.

"No, it should be me and Mon. Di namin kailangan ng chaperone." sabi ko.

"Wow! Grabe ng pang-aaping ginagawa mo sa'kin!" maarteng sabi niya kaya inirapan ko siya.

"Go to Joli, baka sakaling magustuhan ka." tukso ko sa kaniya.

"Eer she's straight duh." sabi niya sabay irap.

"Manang aalis na po ako." paalam ko kay Manang.

"Sige, Sam. Mag iingat kayo ni Mon." ngumiti naman ako kay Manang at tumango.

"Sam! Tatandaan ko ang araw na 'to!" pahabol na sigaw ni Nami sa'kin na may pa iyak iyak pa, baliw talaga.

Pumasok na ko sa sasakyan ko at nagsimulang mag-drive.

I am smiling the whole time I am driving, damn. How can she do this to me?

Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila, paglabas ko ng kotse ay nakasalubong ko pa si Joli.

"Hi, Jols!" bati ko sa kaniya na mukhang kinagulat niya pa.

"Oh Sam, naparito ka?" tanong niya.

"Magca-camping kami ni Mon." sagot ko.

"Ni Mon?" tanong niya.

"Yes, Is she here? Or may nilakad pa?" tanong ko sa kaniya.

"Ah ano nasa loob siya, ano kasi umalis si Nanay Louisa namalengke, nasa loob sila ng bahay." sabi niya, sila?

Kung umalis naman si Nanay sinong sila?

"Sila?" nagtataka kong tanong.

"Ah si ano si Veina nandun din sa loob kasi nagpatulong si Mon sa kaniya." sagot niya.

"Bakit silang dalawa lang? Why aren't you with them?" tanong ko.

"May kukunin kasi ako sa bahay." sagot niya, tumango naman ako.

"Mauuna na muna ako, Sam." paalam niya.

Bakit magkasama sila? Sila na ba?

She's not saying anything to me.

Nabaling ang tingin ko sa pagbukas ng pintuan nila at nilabas silang dalawa.

Tanaw ko sila ditong dalawa. They're talking to something.

They hugged each other bago umalis si Veina.

Papalabas na si Veina sa bahay nila ay lumingon ito sa'kin.

Wala siyang sinabi pero ngumiti siya sa'kin bago tuluyang umalis.

What's the meaning of that smile? Is she telling me that she own Mon? Ganun ba yun?

"Sam." napalingon ako sa kaniya.

"Napaaga ka yata?" tanong niya sa'kin.

I don't know what to say.

"Sam?" tawag niya sa'kin.

I cleared my throat bago magsalita.

"I... I just want to say that our camping is cancelled." nagtataka niya naman akong tiningnan.

"What? Bakit?" tanong niya.

"I don't feel like going, I changed my mind." sabi ko.

"May problema ba?" tanong niya.

Pano | Freenbeck | FanficWhere stories live. Discover now