Chapter 13

2.7K 135 10
                                    

A/N: Happy Pride Month, Gays! 🤍🏳️‍🌈

Szymon's

Hanggang ngayon ay hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko.

Umiyak na nga siya natutuwa pa ko.

"Mon, naparami ata ang niluto mo." sabi ni Nanay.

Napatingin naman ako sa niluluto kong chicken adobo.

Shit naparami nga.

"Dalhin na lang natin yan kay Sam, ilang araw ko na ring hindi nakikita ang batang yun." sabi ni Nanay.

"Nay kasi..." hindi ko natapos ang sasabihin ng tiningnan ako nito na parang nagtatanong kung bakit.

"Sige po, ilalagay ko lang po to sa tupperware tapos alis na tayo." nakangiting sabi ko kay Nanay.

Tumango naman si Nanay sa'kin.

Nang matapos ko ng isalin sa tupperware ang chicken adobo na niluto ko ay tinawag ko na si Nanay na aalis na kami.

Sumakay lang kaming tricycle dahil ayaw ni Nanay na sumasakay sa motor ko dahil daw nakakatakot. Para namang kakainin siya ng motor ko, eme.

"Nay, hindi ba magulo ang buhok ko?" tanong ko kay Nanay nang makababa kami sa tricycle.

"Hindi naman, Mon. Nagulo lang ng konti dahil siguro sa hangin pero yung labi mo ang putla. Hindi ka ba naglagay ng pampakulay sa labi mo?" natikop ko naman ang bibig ko dahil sa sinabi ni Nanay.

Hindi na kasi ako nag abala na ayusin sarili ko bago umalis ng bahay.

"Oh siya tara na pasok na tayo." sabi ni Nanay at tsaka kami pumasok sa mansiyon nila, pinapasok naman agad kami ng guard dahil kilala na rin ako rito.

Sumalubong naman sa'min si Manang Luning at binati kami ng magandang gabi.

Tumungo naman kami sa sala.

"Nandyan ba si Sam, Luning? May dala kaming pagsasaluhan, naparami kasi ang luto ni Mon." sabi ni Nanay.

"Umupo muna kayo at tatawagin ko lang, baka naka tulog ang batang yun." sabi ni Manang tsaka umalis sa harap namin.

Nakita ko naman si Nami na kaibigan niya na nakaupo sa pang isahang sofa.

"Goodevening, Nanay Louisa..." bati nito kay Nanay tsaka tumingin sa'kin.

"And Mon." sabi niya na tinanguan ko.

"Magandang gabi rin, Hija." bati ni Nanay sa kaniya bago kami umupo.

"Napagod ba si Sam kanina hija at nakatulog siya?" tanong ni Nanay kay Nami.

"Hindi naman po, Nay. Baka may iniwasan lang." sagot ni Nami at tumingin sa'kin.

"Umiiwas? Kanino naman? May kaaway ba siya dito?" sunod sunod na tanong ni Nanay sa kaniya.

"Wala naman po, I guess someone hurt her feelings. Hula ko lang po." sabi niya sabay ngiti kay Nanay at tumingin ng masama sa'kin.

"Ganun ba? Napakagandang bata ni Sam para lang may manakit ng damdamin niya." sabi naman ni Nanay.

"Oo nga po e." sang-ayun ni Nami.

Buti na lang at bumaba na si Manang Luning kaya natapos ang usapan nila.

"Susunod daw siya." nakangiting sabi ni Manang.

Napaayos naman ako ng upo sa narinig, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya o may dapat ba akong sabihin.

Bigla naman akong kinabahan ng makita siyang pababa mg hagdan.

Pano | Freenbeck | FanficWhere stories live. Discover now