Chapter 05

9 3 0
                                    

Napatayo na si Cassidy nang marinig ang sinabi ng kaaway nitong si Tamara. "Oh? 'Pag 'di kasali't ka-barkada, 'di counted ang opinion, ah?"


"Alam mo, Cassidy? Kung palagi na lang ito-tolerate ng mga kaibigan mo 'yang makitid mong pag-iisip, mapapagod din naman sila!" Hindi na rin nakapagtiis si Tamara at hinayaan na lang ang bibig niya na sabihin ang mga gusto niyang sabihin noon pa man.


"Tama na," suway ni Ledger at hinila na si Tamara papalayo kay Cassidy, bago pa man humantong sa pisikalan ang pagtatalo nila. "Tigilan niyo na 'yan dahil kumakain pa kayo. Hindi magandang asal 'yan sa harapan ng pagkain."


"Bakit, Tamara?! Ano ba'ng alam mo sa pagkakaibigan naming apat, ha?!" singhal ni Cassidy at hindi na pinansin ang pagsuway ni Ledger sa kanila. "Saka, bakit ba ang hilig mong makialam sa mga bagay-bagay?! Wala ka bang sariling mundo—"


"Tama na nga sabi, e!" galit na sigaw ni Ledger.


"Great," maiyak-iyak na bulong ni Cassidy. "Great! Ako na naman 'tong masama sa mga paningin niyong lahat! Putangina, lagi na lang, e!"


"Tangina naman, Cassidy, oh!" Lahat sila ay nagulat sa biglaang pagsigaw ni Chuck. "Intindihin mo nga nang maayos 'yong mga nangyayari! Hindi ka naman palaging mali, e, puta na 'yan! Palagi ka nga naming pinagtatanggol sa tuwing nagsisimula ka ng bangayan kay Tamara! Ngayon lang naman, Cass! Ngayon ka lang namin hindi maipagtanggol, kasi hindi mo na matanggap-tanggap 'yang mga pagkakamali mo!"


"Pre, 'yang bibig mo," seryosong suway ni Ethan sa kaniya.


"Chuck," bulong naman ni Eloise dito at hinila ito papalayo sa mga kaibigan nila. "Kalmahan lang naman natin, oh? Maliit lang na bagay 'yon, 'wag niyo namang palakihin pa."


"Maliit?" inis na tanong ni Tamara. "Maliit pa 'yon sa tingin mo, Eloise?"


"Ano ba'ng gusto mong sabihin, Tamara?" Maging si Eloise ay hindi na rin napigilan ang inis niya kay Tamara. "Tangina naman! Maliit na hindi pagkakaintindihan, pinapalaki mo pa? Pwede bang pakalmahin muna natin 'tong mga kasama natin bago natin pag-usapan nang maayos, at hindi nagsisigawan, ha?"


Napahawi na lang si Tamara sa buhok niya. "Okay, fine. Kung sa tingin mo na mas mabuti na lang na kunsintihin 'yang bunganga ng kaibigan niyong 'yan, go!"


"Kunsintihi—Putrages naman, Tamara! Saang parte ba na kinukunsinti namin ang mali ng isa't isa, ha?! Tangina, mas maalam ka pa tungkol sa barkada namin, ah?!" galit na sigaw ni Eloise.


"Ano ba?! Utang na loob naman! Tama na nga, e! Tigilan niyo na!" Sumali na rin maging si Russell na nananahimik lang kanina.


"Hindi ko kasi maintindihan, e!" umiiyak na sa inis na sigaw ni Cassidy kaya napatingin ang lahat sa kaniya. "Sinabi ko naman na 'wag na lang panoorin 'yong movie, kasi alam ko na mahina rin ang sikmura ni Wesley sa mga ganiyan! Tapos, hindi kayo nakinig. . . at nasuka nga si Wesley! Nasa'n ba ang mali ko ro'n, ha?!"


"'Yong parte kasi na pinagsabihan mo pa siya kahit na alam mo naman na nasuka na siya. Hindi mo ba naisip na nagsisisi na rin siya?" mahinahong tanong ni Cherry sa kaniya.

HauntWhere stories live. Discover now