Chapter 07

23 3 0
                                    

Solene


Hindi kami nagtagal sa labas dahil bigla na lang bumuhos ang ulan. Dali-dali kaming nag-impake ng mga gamit at bumalik na sa summer house. Para kaming mga basang-sisiw pagpasok namin doon, pero hindi pa rin nawala ang mga tawanan namin. Pinagtawanan namin ang itsura ng isa't isa, na parang mga batang walang muwang.


Napatingin ako kay Russell pero kay Adey na siya nakatingin. Tinuturo niya ang bangs nitong basa at gulong-gulo na. Tawang-tawa pa siya kaya napabuntong-hininga na lang ako at inis na hinubad ang suot kong hoodie, dahil sobrang bigat na nito sa katawan. Ang tanging puting sando ko na lang ang itinira ko sa katawan ko.


"Witwew," pabirong pagsisipol ni Chuck kaya inirapan ko siya at inihagis sa kaniya ang hoodie ko na basang-basa, saka ko na sila iniwan sa sala. "Luh? Anyare do'n?"


Nagtungo ako sa kwarto naming mga babae at naligo ulit. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang inis ko kay Russell kanina. Kaagad ko nang tinapos ang pagligo ko dahil ayaw ko nang mag-isip pa nang mag-isip. Lumabas ako at naabutan ang mga babae roon na naghihintay sa akin na matapos sa pagligo.


"Sino na'ng next?" tanong ni Eloise, pero bago pa makasagot ang iba, tumakbo na ito papasok ng banyo kaya napahagalpak ako ng tawa.


"Gaga talaga 'yon, e," bulong ni Cassidy habang pumipili siya ng susuotin niya.


Kumuha ako ng puting V-neck na t-shirt at loose plaid black pajama mula sa bag ko. Dahil malamig ang gabi, nagsuot na rin ako ng itim na oversized hoodie na may nakaburda na 'I Don't Care' sa harapan, saka itim na medyas. Palihim akong napangiti dahil sobrang comfortable ng pakiramdam ko dahil balot na balot ang buong katawan ko.


Kulang na lang hot chocolate at libro, tapos sa tabi ako ng bintana magbabasa habang pinapanood at pinapakinggan ang ulan.


"Sana all na lang talaga malaman ang pwet." Napatingin ako kay Tamara nang marinig ang sinabi niya. "Adey, nagw-workout ka ba? Ang ganda ng katawan mo, 'no? Ta's ang laki pa niyang hinaharap mo."


"Pinagpala talaga, e 'no?" natatawang tanong naman ni Sally na nagpupunas ng ilong dahil sinisipon.


Napatingin ako kay Adey na kasalukuyang nagpapatuyo ng buhok. Nakasuot siya rin siya ng puting V-neck t-shirt kagaya ko, pero dolphin shorts nga lang ang pambaba niya. Kahit hindi masyadong revealing ang suot niya, nangingibabaw pa rin ang kurba ng katawan niya.


Nang matapos na kaming lahat sa pagpalit, bumaba na kami. Napahikab ako, pero naputol iyon dahil may punyetang biglang sumundot ng magkabila kong tagiliran. Inis ko na nilingon si Russell at tatawa-tawa pa siyang napatitig sa pikon kong pagmumukha.


"Hindi ako si Adey. Tangina mo ka," mura ko sa kaniya kaya kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka. "Ayon siya, oh!"


"Hindi naman si Adey ang hinahanap ko," nakangusong sagot niya.


Napairap na lang ako dahil sobrang sama ng pakiramdam ko na hindi ako nakahikab nang tuluyan. Malakas ko pa na hinampas sa braso si Russell bago ako naunang bumaba sa kaniya. Narinig ko pa ang nakalolokong pagtawa niya, dahilan para mas lalo akong mainis.

HauntWhere stories live. Discover now