Chapter 09

20 3 0
                                    

Eloise


Napahilot na lang ako sa sentido ko dahil imbis na isipin nila ang nangyari kay Ethan o kahit mag-alala na lang sila sa dalawang umalis, mas pinili pa nilang magbangayan at magsumbatan. Halos mabingi ako sa sigawan nila kaya napapikit na lang ako at napahilamos sa mukha ko gamit ang mga palad ko.


"TAMA NA!" buong lakas na sigaw ko dahilan para matahimik sila at mapatingin sa akin. "Gaano ba kayo kasigurado na isa sa 'tin ang gumawa n'on kay Ethan, ha?!"


Hindi nakasagot sina Cassidy at Wesley, ang dalawang pasimuno ng kaguluhan na 'to. "See? Hindi nga kayo makasagot! Ngayon, umupo na kayo at magsitahimik! Walang magsasalita hangga't hindi pa dumadating ang dalawa!"


Bumalik na ako sa pagkaupo at agad na hinawakan ni Adonis ang kamay ko. Hinaplos niya iyon para pakalmahin ako kaya nginitian ko na lang siya. Napabuntong-hininga ako at inihilig na lang ang ulo ko sa balikat niya.


Mabuti naman at nanahimik na sila. Wala ni isang nagsalita at nabalutan ng matinding katahimikan ang buong sala. May parte sa akin na nagsisisi na pinatahimik ko sila, ngunit mas mabuti na 'to kaysa magsimula pang umiyak ang iba.


"Guys," tawag ni Tamara sa amin. "Hindi naman sa wala akong tiwala sa inyo, ah? Pero, nasa'n ba kayo bago nangyari 'yon kay Ethan?"


"Pagkalabas ni Solene sa kwarto, pumasok na ako ro'n para i-check at sibinan si Sally." Si Kianna ang unang sumagot. "Hindi muna ako pumasok noong nando'n pa si Solene, dahil alam ko na kailangan din niyang mapag-isa muna pagkatapos ng away niyo."


Tumango si Sally. "No'ng ginising ako ni Wesley, may bimpo nang nakalagay sa noo ko. Thank you nga pala, Kia."


"Teka nga lang." Natigilan si Kobi at napatingin kay Wesley. "Kung ikaw 'yong sumigaw at unang nakakita ng katawan ni Ethan, ibig sabihin—"


"Walang ibig sabihin 'yon, Kobi!" umiiling na hiyaw ni Wesley at ngayon ko lang napagtanto ang lahat.


"Wesley." Napatingin siya sa akin. "Hi-Hindi mo naman siguro magagawa 'yon kay Ethan, 'di ba? I mean. . . mahal mo naman siya, 'di ba?"


Nanginginig siyang napatayo kaya napalunok ako. Umiling siya at sinubukan pa na magsalita ngunit walang boses ang lumabas sa bibig niya. Napatayo na ako at lalapitan sana siya, ngunit dahan-dahan siyang napaatras.


"Hindi. . . Hindi ako ang gu-gumawa n'on. . ." Bumibilis na ang bawat pag-atras niya. "Hindi ako!"


Napatayo na si Kobi sa galit, mabuti na lang at napigilan na siya ni Adonis bago pa man niya sugurin si Wesley. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaibigan ko. Ayaw kong isipin iyon, ngunit hindi ko na maiwasan dahil sa kilos niya.


"You fucking bitch!" Walang nakapigil kay Cassidy nang tumakbo siya papalapit kay Wesley at pinagsasampal niya na ito nang malakas. "Fucking whore! Hindi ka magkakaganiyan kung wala kang ginawa!"

HauntWo Geschichten leben. Entdecke jetzt