Chapter 10

13 2 0
                                    

Solene


"So, who wants to stay here?" Pilit kong pinapatatag ang boses pero nanginginig pa rin talaga ito. "Someone should definitely stay here, don't you think, Ledger?"


Napabuntong-hininga ito at balisang tumango. "Kianna, Tamara, Sally, and Adey. Kayong apat ang mag-stay dito, hanggang sa bumalik kami—"


"Ako rin," wika ni Kobi saka siya nag-iwas ng tingin. "If ever na pumasok dito 'yong sinasabi niyong killer, edi kailangan nila ng lalake rito."


"Naduduwag ka lang, e," pagpaparinig ni Eloise bago niya tiningnan si Cassidy, na kasalukuyang tulala. "Ikaw din, Cass. Maiwan ka na rin dito."


"Hindi. Sasama ako," kaagad na sagot nito at tumayo na. "Sasama ako hindi para iligtas ang malanding 'yon. Sasama ako para masaksihan siyang mamatay—"


Ginawaran ko siya ng isang malakas na sampal sa pisngi, kaya gulat siyang napatitig sa akin. "Naiintindihan ko na galit ka sa kaniya dahil niloko ka nila't pinagtaksilan, pero hindi ibig sabihin n'on na hahayaan na kitang sabihin ang mga ganiyang bagay. Buhay ng tao ang nakataya rito, Cassidy! Buhay ng kaibigan natin!"


"Dahil kapag naririnig ko 'yan mismo sa bibig mo, hindi ka na rin nalalayo sa pumatay sa mga kasama natin," galit na wika ko kaya nagulat ang lahat.


Hindi siya nakasagot. Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi niya bago siya natawa nang mahina. Kaagad naman na nagkasalubong ang mga kilay ko at galit siyang tinitigan.


"Solene," bulong ni Eloise.


Nag-iwas ako ng tingin at inis na pinunasan ang mga luhang umaagos mula sa mga mata ko. "Maiiwan ka rito, Cassidy, sa ayaw at sa gusto mo—"


"At sino ka para magdesisyon?"


Makahulugan ko siyang tiningnan. "Who knows, baka ikaw ang unang makakita kay Wesley at ikaw mismo ang papatay sa kaniya, 'di ba? Sa mga narinig ko pa lang mula sa 'yo, hindi na malayo na magawa mo 'yon sa kaniya."


"Solene!" sigaw ni Eloise. "Tama na, please! Tama na!"


Hindi ko siya pinansin at diretsong tiningnan si Cassidy sa mga mata niya. "Sobrang babaw mo para itapon kaming lahat dahil lang sa isang lalake, Cassidy."


Ako naman itong nasampal niya nang malakas. Wala siyang sinabi at tumakbo na lang papunta sa ikalawang palapag. Narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto ng kwarto, kaya hinawi ko na lang ang buhok ko at pagod na napabuntong-hininga.


"Sa taas na rin kayo," utos ko sa apat na kasalukuyang nakatayo lang habang nakatulala. "Mas ligtas kayo ro'n kaya umakyat na kayo nang makaalis na kami. Kobi, ikaw na ang magsara ng pinto pagkalabas namin."


Wala ni isang nagsalita at sumunod na lang sa mga sinabi ko. Gusto pa sanang sumama ni Tamara sa amin, pero mahina ko siyang itinulak paakyat. Wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga na lang at iiwas ang tingin niya.

HauntWo Geschichten leben. Entdecke jetzt