Chapter 2

6 3 0
                                    


• Closure •


CALLIOPE NATHALIA


Pagkamulat ko ng mata ko ay agad akong bumangon na para akong binabangungot. Mabilis ang paghinga ko habang sinusuri ang katawan ko.


"I'm alive?" I whispered. I definitely heard a gunshot behind me, I thought it was for me.


Pinakiramdaman ko ang katawam ko. Halos lumuwa ang mata ko sa suot kong damit. It's a white longsleeve sweater na mahaba, it's for men.


Binalot muli ako ng kaba, inuwi ba ako ng kalbong yun? Nagtagis-bagang pumikit at nagdasal na sana ay wala siyang ginawang masama sa akin. I wanna hold my holy grail down there thinking that they raped me. But I hope not.


I looked around at halos mamangha ako sa ganda ng interior ng kwartong ito. In fairness, may taste ang kalbong 'yun. Ngunit ang bango naman nitong kwartong 'to, ang hininga niya ay hindi.


Nakarinig ako ng mga tawanan ng mga babae na papalapit sa pintuan kaya mabilis akong humiga ulit at pumikit. Bumukas ang pintuan at hindi ko mabilang kung ilan ang pumasok doon.


"Oh diba, totoo ang sinabi ko. May inuwi si sir na babae kagabi."


Muntik nang napataas ang kilay ko. Inuwi talaga ako ng kalbong 'yun? And what?! Are they speaking tagalog?


"Sa ugali niyang 'yon, may papatol pa pala sakanya." rinig kong hagikgik ng isang babae.


Anong pinatulan ko siya?! This is kidnapping!


"Anong lahi ng babaeng ito? Bakit ganito ang kulay ng buhok niya?" ani ng boses matanda na babae.


"Balita ko sa mga kaibigan ni sir ay italiana ang babae," sagot ng babae at naramdaman ko ang paghawak nila sa buhok ko. "Hala, natural ang buhok na ito!'


Sa kamalasan ay gusto kong tumawa, I tried my best not to make any expression. Why are they making fuss about my hair?


"Genevie, huwag mo siyang hahawakan baka masesante ka ni sir! Halata naman na nobya niya ito dahil ipinagamit niya ang damit niya dito."


Sa tingin ba nila ay papatulan ko ang kalbo nilang sir na may tattoo sa ulo at may mabahong tabako?

Roman EmpireWhere stories live. Discover now