Chapter 4

3 3 0
                                    


• Office •


CALLIOPE NATHALIA


Halos mag-iisang buwan na ako dito. I looked at Theo. Nakapikit siya habang naka-unan sa hita ko. Kakatapos niya lang libutin ang buong isla, that was his routine once a week every wednesday. Nag-jog siya sa buong isla.


I don't even know why he acts like this. He's so touchy and very comfortable with me. Sa parte ko naman ay, he's letting me do whatever I want, spoil me and took care of me really well. It's making me get the wrong idea...


Nilingon ko ang dagat, it's peaceful here. Nalaman ko rin last week na muntik ma-ambush sila daddy, good thing very skilled ang mga bodyguards given by Theo. Ang dami niyang naitulong sa amin at hindi ko manlang alam kung paano siya babayaran nila mommy. Hanggang ngayon ay hindi niya parin sinasabi sa akin ang agreement nila, lagi ko naman siyang tinatanong.


Katulad ng mga gawain ko kapag wala siyang kamalay-malay, tinitigan ko ang mukha niya. Hindi ako nagsasawang tignan siya. Lalo na 'yang labi niyang pula, parang nagtatawag. I was about to touch it when I heard some footsteps.


"Sir, Ma'am. Nakahanda na po ang lunch." naiilang na saad ni Queeny, isa sa mga kasambahay.


She just came back 1 week ago that's why I'm pretty sure that she's not used to this scenario. Theo being so touchy touchy with someone she doesn't know.


Hindi nagising si Theo kaya mahina kong tinapik ang pisngi niya kaya namulat ito. I told him that lunch was ready but he stared at me for more than 10 minutes. Nang hindi ko na makaya ay umirap ako bago abutin ang jacket niya at itinakip sa mukha niya.


Iniwan ko siya dun dahil nag-iinit na ang pisngi ko. Matagal na akong nalilito sa mga aksyon na ginagawa niya. I'm hoping but I'm holding myself back because it's hard to assume, lalo na kung alam mong wala ka talagang pag-asa.


Sinama niya ako sa office niya after we ate our lunch. Nandun din si Renz dahil siya ang may ire-report. I was staring at him the whole time. Pansin ko sa mga nagdaang araw ay napapadalas kong titigan ang mukha niya. It's driving me insane.


I don't know what his parents prayed for to have such a facial structure, he looks so perfect. From those thick eyebrows, long eyelashes, attractive eyes, tall and sharp nose, and his damn thirsty looking lips of his.


I wonder what his type is... Mukha pa namang mataas ang standard ng lalaking ito. Halata naman.


"Get the files to Butler Giovanni."


Umingos si Renz. "Wala lang si Greg kaya ako naman ginawa mong alipin." saad niya bago tumayo at nilingon ako. Kinindatan niya ako na ikina-iling ko nalang. "Well, it's fine. May motivation naman ako."

Roman EmpireWhere stories live. Discover now