Chapter 7

2 1 0
                                    


• Lines •


CALLIOPE NATHALIA


Genevie and Minay woke me up in the morning, inviting me to eat brunch with them. Unfortunately, late akong nagising ngayon dahil para bang pagod ang buong katawan ko kahit naman wala akong ginawa kahapon. I got up and washed myself.


I was about to put my clothes on when I felt my stomach turn. In a swift move, I ran the distance to the bathroom. I knelt in front of the toilet and released all the disgust I felt in my stomach. Naramdaman ko ang luhang tumakas mula sa mata ko.


Shit lang. May nakain siguro akong panis.


Nagmugmog ako at nilingon ang sarili sa salamin, my whole face is red. Ano naman ang nakain ko kagabi at nagsuka ako ngayon?


Expired na siguro ang gatas na binili ni Genevie.


Lumabas ako at dumeretso sa baba. I saw Minay putting some plates on the table. Hindi niya nilagyan ng plato ang gitnang upuan sa dulo. Napanguso ako sa kadahilanang hindi na naman sasabay si Theo.


"Upo na, ma'am." sabi ni Minay.


Pagkaupo ko ay umupo rin si Gretchen sa harap. She smiled and greeted me. Genevie and Minay sat down and we waited for the cook to call Gretchen.


"Where is he?" mahinang tanong ko.


Nagtingingan silang tatlo. "Umalis po, maam. Ang butler po siguro ang may alam."


Mapakla akong natawa. Sino nga ba ako para sabihan niya kung saan siya pupunta? Ganito na ba ang kinalabasan ng nangyari sa amin? Hindi niya siguro nagustuhan ang ginawa kong pag-amin.


It's been 5 days. Hindi ko pa siya nakikita since the day we came back. Hindi niya yata nagustuhan ang nasabi ko.


"Late ka ng gising ngayon, ma'am." natatawang saad ni Minay na ikinatango ko.


"I feel tired. What time is it? I didn't check my phone." I asked.


Nilingon ni Gretchen ang relo niya. "Quarter to 12 na po, ma'am."


Hindi naman ako late natulog kagabi. Wala lang siguro akong gana. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan, papasok siguro ang mga cook na nagluto ng brunch. Nang ilapag ang ulam sa mesa ay naamoy ko ang garlic na naisama sa maliliit na patatas.


Napatakip ako ng ilong dahil sa mabahong amoy nito. Once again, my stomach turned and I rushed my way to the toilet here in the first floor. Isinuka ko lahat ng gusto kong isuka. Nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa akin ngunit nakapokus ako sa isinusuka ko kahit wala namang naisusuka.


"Ayos ka lang?" I heard Gretchen and felt her hand caressed my back.


Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: May 04 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Roman EmpireOnde as histórias ganham vida. Descobre agora