Part I

17 0 0
                                    

PROLOGUE



Love? I've never believed in love. Paano ko naman magagawang maniwala sa isang bagay na kahit kailan hindi ko nakita sa parents ko?

Madalas ikwento ni Mama ang istorya nila ni Papa noong bata pa lang ako, ang istorya nila na sa simula pa lang natapos na. Mabuting tao si Mama, pero si Papa...siya na ang pinakawalang kwentang tao sa lahat. Matapos nyang mabuntis noon si Mama, iniwan na nya ng walang pasabi. Nalaman na lang ni Mama na isa lang pala sya sa listahan ng mga babae nya, kaya heto wala akong buo at masayang pamilya.

Well, somehow ok na rin kasi wala akong ama na pupuna sa mga garos na kilos ko, walang magbibigay ng curfew kapag lumalabas ako, at walang sasaway kung makipagdate man ako sa kahit na sinong lalaking makilala ko.

Ang galit na nararamdaman ko kay Papa ang naging dahilan ng paghihiganti ko sa lahat ng mga manlolokong lalaki. They want games? Then I'm gonna play with them!

I'm Malorie Fernandez, a certified playgirl!

With my georgeous look and aura like Yassi Pressman, kayang-kaya kong paikutin ang lahat ng lalaki sa palad ko. Hindi ko na nga mabilang kung ilang manlolokong lalaki na ang napaluha ko. I feel so happy everytime na may lalaking lumuluhod at nagmamakaawa sa akin. Kapag dumating na sa point na patay na patay na sa akin ang isang lalaki, I dumped him like a garbage.

Maliban sa pagiging black belter ko, matalino rin naman ako para iwasang mapagaya kay Mama kaya naman kahit madaming lalaki na ang dumaan sa buhay ko ay wala pa rin kahit isa ang nakakakuha sa akin. I'm proud to say that I'm still a virgin...

until...





" Oh my God!"




Yun na lang ang nasabi ko habang napatakip ng madiin ang kamay ko sa noo ko. Hindi ko akalaing mangyayari 'to, na may isang lalaking makakatalo sa gaya kong magaling pagdating sa love game.

Masakit ang ulo ko dahil sa hangover at ang buong katawan ko dahil sa... sa lalaking ito. Gosh! What did he do to me? I can't barely move, I feel the pain all over my back especially down there. Shit! How would I stand up? Sinubukan kong iflashback ang memory ko but everything was blurry, wala na akong masyadong matandaan sa nangyari kagabi pero alam ko at sigurado akong may nangyari sa amin. I can't believe na magigising ako sa isang hotel katabi sa kama ang isang playboy na gaya nya.




"Mmm..."




Nabalot ng init ang hubad kong katawan dahil sa pagyakap sa akin ni Austin. Inilibot ko naman ang tingin ko sa paligid at nakita ko ang mga damit at underwear namin na nakakalat sa sahig.




"I'm so doomed..."

"Mmm...good morning!"




Halos makiliti ako sa marahang pagbulong ni Austin sa tainga ko sabay halik nya sa leeg at balikat ko. Lalo pa akong nawindang nang mas higpitan pa nya ang pagyakap sa akin dahilan para maramdaman ko ang paglapat ng private part nya sa likuran ko. Shit! Napabalikwas agad ako at inalis ko ang pagkayakap nya sa akin.




"What did you do?"

"Why? Hindi ka ba nagenjoy kagabi?"

"Shut up!"




Kahit nanghihina pa 'ko ay pinilit kong bumangon sabay hila ko sa kumot at balot ko nito sa hubad kong katawan.




"Hoy! Ano ba?"




Agad syang nagtakip ng unan habang pinulot ko naman ang mga damit ko at pumasok agad ako sa cr. Naghilamos ako para maitago ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Ang tanga-tanga ko! Bakit ako pumayag? Bakit hinayaan kong mangyari 'to? Bakit?

Halos twenty minutes din akong nagkulong sa cr hanggang sa mahimasmasan ako. Matapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako at nadatnan ko si Austin na bihis na habang nakaupo sa kama at halatang nagaalala.




"Malorie, are you ok? Wala ka ba talagang natatandaan sa..."

"Stop it! Don't say anything! Kung ano man ang nangyari kagabi, wala lang yun kaya kalimutan mo na...and it all ends here, ayoko nang makita ka pa. Let's stop this!"

"What? Wait!"




Palabas na sana ako ng hotel room pero bigla syang humarang sa pinto.





"Ganun na lang yun?"

"Bakit? Ano pa bang gusto mo? Nakuha mo na 'ko di ba? Normal na naman sayo 'to, na matapos mong makuha ang isang babae iiwan mo na lang pagkatapos so before you do that uunahan na kita. Ako na mismo ang tumatapos sa kalokohang 'to!"

"Paano kung para sa akin hindi kalokohan 'to?"

"Ano? Pwede ba Austin, tapos na! Oo na natalo mo na 'ko! I give up."

"Hindi. Ako ang talo, dahil para sayo laro pa rin 'to kahit para sa 'kin totoo na 'to. Malorie, mahal kita. Tama ka dapat nga sanay na 'ko sa ganito na pagkatapos kong makuha ang isang babae iiwan at kakalimutan ko na sya pero hindi ikaw. Iba ka sa kanilang lahat."

"Pwede ba wag mong gamitin sa 'kin ang mga linya mong yan?"

"Malorie, sayo ko lang 'to naramdaman at alam kong nararamdaman mo rin 'to. Kahit ako hindi ko naisip na aabot ako sa ganito pero isa lang ang alam ko panatag ako sayo, iba yung pakiramdam ko kapag ikaw yung kasama ko. Mahal na kita Malorie at alam kong ganun ka rin."

"Ano? No! Never!"

"Don't deny it. Alam kong mahal mo na rin ako."

"At paano ka nakakasiguro? You're just a guy na kasama sa listahan ko."

"No. Alam kong iba ako. Kahit paulit-ulit mo pang itanggi alam ko ang totoo. Kahit ano pang sabihin mo, alam kong ako pa lang ang lalaking nakakuha sayo at sisiguraduhin kong ako na rin ang huli. Handa akong pakasalan ka at manatili sa tabi mo habang buhay. Hinding hindi kita iiwan gaya ng ginawa ng Papa mo sayo at Mama ko sa 'kin. Hindi ako magiging gaya nila at sana sabihin mo rin sakin yun ngayon."





Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya. Sa totoo lang nagulat ako sa mga sinabi nyang yun. Totoo pala na alam ng mga lalaki kung sila ang nakauna sa isang babae.

I love you...yun ang mga salitang madalas kong marinig mula sa mga lalaking dumaan sa buhay ko pero wala akong sinagot kahit isa sa kanila.

Nangako ako sa sarili ko na kahit anong mangyari hindi ako maiinlove sa kahit na sino pero simula nung makilala ko si Austin alam kong may naiba sa 'kin...na pilit ko mang labanan ay hindi ko na mapigilan.

Siguro nga mahal ko na sya...

Mahal ko na rin sya...

Pero hindi pwede.

"Love Game Book 1: The Game Changer"Where stories live. Discover now