Part II

10 0 0
                                    

Nagsimula ang lahat noong araw na...




"Aaaaahhhhh...! Malorie hindi ko na kaya..."

"Ano ka ba? Wag ka ngang ganyan, para lalaki lang iniiyakan mo na? Sabi ko naman sayo wag kang mapofall e!"

"Tulungan mo naman ako!"

"Anong gusto mong gawin ko sa Austin Medina na yun?"

"Make him fall for you at pahirapan mo sya kagaya ng ginagawa nya sakin ngayon. Matapos ko syang pagsilbihan, alagaan at mahalin, sasaktan nya lang ako? Ibinigay ko sa kanya ang lahat-lahat!"

"Really? Lahat-lahat talaga?"

"Well, maliban sa sarili ko...pero kung ginusto lang sana nya e di baka ibinigay ko na rin."

"Oh nakita mo na? Kasalanan mo yan, ang tigas ng ulo mo! Sino ngayon ang umiiyak at humihingi ng tulong?"

"Oo na sige na tanga na kung tanga, pero kasi...mahal ko sya e kahit na kaibigan lang ang turing nya sa 'kin."





Sya si Natalie, ang bestfriend ko at parang tunay na ring kapatid. Anak sya ng bestfriend ni Mama na si Tita Natty at nakatira kami sa iisang bahay.

Magkapareho ng naging kapalaran ang mga Mama namin, nabuntis at iniwan lang ng lalaki kaya yun, sila na ang naging magkakampi. Nagtulungan sila at naging matagumpay ang negosyong sinimulan nilang dalawa. Madalas silang out of town dahil sa traveling agency nila kaya kami na lang talaga ng baliw na 'to ang magkasama.





"Sige na please! Iganti mo na 'ko sa kanya."

"Ano? Nat, hindi ikaw yan. Di ba ikaw nga 'tong madalas magsabi sa 'kin na tigilan ko na ang pagganti?"




Magkaibang-magkaiba kaming dalawa. Kung ako galit sa mga lalaki at hindi naniniwala sa love, si Natalie naman punung-puno ng love sa katawan. Sobrang hopeless romantic at mapagpantasya pero ni minsan hindi pa nagkaboyfriend. Paano ba naman, patay na patay sya sa Austin Medina na yun.

Lahat ginawa nya makapagpapansin lang sa lalaking yun, kahit ang sumali sa cheering squad ginawa nya. Nagtiis syang ipagbatuhan at paliparin sa ere para lang palaging makita si Austin at makapagcheer sa kanya. Hayun, naging close naman sila pero hanggang dun lang yun. Dedma  ang loko sa beauty ng bestfriend ko kaya heto mabaliw baliw sya sa pagiyak at halos maubos na nya ang isang box na tissue.





"Sige na Malorie! Gusto ko syang makitang umiiyak!"

"Pwede ba, tumigil ka nga sa kabaliwan mo! Kilala kita, siguradong pagsisishan mo rin kapag nakita mo syang nasasaktan. Di ba nga baliw na baliw ka sa kanya kaya yan ang napala mo!"

"Ano ka ba? Bestfriend ba talaga kita? Yung iba nga dyan na niloko ng mga boyfriend nila tinutulungan mo tapos akong bestfriend mo na kasabay mong lumaki at nagmamahal sayo kahit ganyan ka, ni ayaw mo man lang pansinin?"

"Hay, ang drama mo talaga! E hindi naman naging kayo di ba? Hindi ka nya niloko kasi ikaw mismo ang nagpakaloko!"

"Malorie naman e! Seryoso 'ko, sobrang sakit ng ginawa nyang pagpapaasa sa 'kin..."





Wala syang tigil sa paghagulgol nya kaya kahit ayaw ko man ay napapayag nya akong gumanti sa Austin na yun.

Ngayong last year na namin sa college ay mukhang umaayon naman sa plano ang lahat. Naging classmate namin si Austin at nagpapansin ako agad sa kanya nang bigla ko syang tabihan sa upuan nya.




"Values Education? What a boring subject!"

"Boring talaga kung walang nagbibigay ng value sayo. Finally, we met! Malorie, the best player."

"Love Game Book 1: The Game Changer"Where stories live. Discover now