Part VII

7 0 0
                                    

Pagdating ko sa bahay ay marahan akong pumasok sa loob ng kwarto ko baka kasi makita pa ako ni Natalie sa ayos kong 'to kaya nagpalit agad ako, nagshower at nagbihis na ng pantulog. Maya-maya pa ay kumatok na si Natalie sa pinto ng kwarto ko.

"Nandito ka na pala. Kanina ka pa ba?"

"Ano? Dahil lang nagulpi yang Austin mo tumiklop ka na agad? Bigla mo na lang akong iniwan sa ere habang ako nagmukhang tanga dahil patuloy pa 'kong nagkukunwari sa kanya kahit alam na pala nya ang totoo!"

"Sorry, Mal. Sorry hindi ko sya nakayang tiisin. Dahil sa nangyari lalo ko lang narealize kung gaano sya kahalaga sa 'kin. Hindi ko pala talaga kayang makita syang masaktan."

"Hindi mo sya natiis pero yang sarili mo tinitiis mo para lang sa kanya?"

"Nagkausap na kami ni Austin. Masakit tanggapin na kaibigan lang talaga ang turing nya sa'kin pero at least kahit yung friendship man lang ang masave namin bago ko sya tuluyang kalimutan. Ok na 'ko dun."

"Hindi mo na sana sinabi sa kanya ang tungkol sa plano natin. Tapos na sana ang lahat ngayon pero dahil sa ginawa mo mukhang wala na syang balak magpatalo."

"Ano? Kayo pa rin?"

"Para sa'kin hindi na pero para sa kanya kami pa at hindi sya titigil hanggat hindi ako natatalo."

"Eh di magpatalo ka na lang."

"What? Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Alam mo ba ang ibig sabihin nun? Kilala mo naman ako di ba?"

"Oo kilalang kilala kita kaya nga nagtataka 'ko e kung bakit yung mabilis na proseso ng plano mo e umabot pa ng three months. Nahirapan ka lang ba talagang paibigin sya o nahihirapan ka nang layuan sya?"

"Ano bang sinasabi mo?"

"Magsabi ka ng totoo, mahal mo na ba si Austin?"

"Anong klaseng tanong yan? Of course not! Never!"

"Kung ganun, di ba dapat madali na lang sayo na alisin sya sa buhay mo?"

Hindi na ako nakasagot pa kay Natalie. Noong mga oras na yun, pakiramdam ko para akong sinampal ng katotohanan. Tama sya madali lang naman talaga sa'kin 'to noon pero bakit nahihirapan na 'ko ngayong makalaya?

Sinubukan ko ulit iwasan si Austin at nagsimula na rin akong maghanap ng ibang paglalaruan. Madalas na akong magcutting class para lang hindi kami magkita pero hindi ko maintindihan kung bakit parang lalo lang kaming pinaglalapit na dalawa. Naging magpartner kami sa isang project para sa finals. Napatoka samin ang pagdocument sa isang orphanage.

"Ano, kelan natin sisimulan yung project?"

"Ako na ang bahala dun. Madali na lang namang magimbento."

"Oo nga pala, dun ka nga pala magaling."

"Ano? Nangaasar ka ba?"

"Alam mo nakakatawa lang 'to. Umiiwas ka sa'kin pero lalo lang tayong pinagalalapit. Hindi kaya may ibig sabihin 'to?"

"Meron nga, yun ay ang tapusin na natin ang larong 'to. I'm breaking up with you!"

"No! I would be the one to break up with you!"

Galit syang umalis at iniwan akong magisa. Dahil sa sinabi nyang yun ay parang biglang naging blangko ang utak ko. Kasabay ng pagecho ng mga sinabi nya ang biglang paninikip ng dibdib ko.

Gaya pa rin ng dati sa tuwing may problema ako ay nagpakapagod ako sa pagsayaw at paginom sa bar hanggang sa hindi ko na alam ang mga nangyari. Nagising na lang ako sa kotse ko kinabukasan at bigla akong nakareceive ng text mula kay Austin.

"Love Game Book 1: The Game Changer"Where stories live. Discover now