Part IV

10 0 0
                                    

Kinagabihan nung paguwi ko sa bahay, inireport ko agad kay Natalie ang nangyari ngayong araw maliban na lang sa halik na yun. She might kill me kapag nalaman nya yun. Hindi ko na rin nagawang sabihin yung mga nasabi ni Austin tungkol sa kanya dahil sigurado akong pagmumikhain lang akong tanga nito kapag nalaman nya. Invested na 'ko sa larong 'to kaya hindi na 'ko pwedeng umurong pa.





"Talaga? Kayo na? Ang bilis naman ata?"

"Mas okay nga yun di ba, mas mabilis mong makikita yung paghihirap nya."

"Ahm..."

"Oh bakit? Wag mong sabihing ayaw mo nang ituloy 'to?"

"Ha? Ah...hindi naman sa ganun, kaya lang kasi nung nakita ko kayo kanina sa pool area parang hindi na lang kayo naglalaro...parang totoo nang gusto nyo ang isa't isa."

"Bakit? Hindi ba ito naman ang gusto mo, to make him fall for me? Ganun na ba talaga ka convincing ang pagarte ko?"

"Arte lang ba talaga yun?"

"Yan! Yan mismo ang rason kaya umpisa pa lang ayoko nang gawin 'to e. Now, what do you want mo to do?"

"Sorry. E kasi naman pareho kayong player, natatakot lang ako na baka mamaya ikaw yung mahulog sa sarili mong patibong...or worst mahulog kayo sa isa't isa. Hindi ko yata kakayanin yun."

"Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo?Ako pa talaga ang pinagisipan mo nyan? Ikaw 'tong nagpilit na gawin ko 'to tapos ngayon natatakot ka? Parang hindi mo naman ako kilala. Hello! It's me! Malorie Fernandez, the best game player in town!"

"Talaga? Can you really promise me na hinding hindi ka maiinlove kay Austin?"

"What? Do I really have to do that?"

"Sige na! Promise me!"

"Fine! I promise."





Yun ang sinumpaan kong pangako kay Natalie. Pangakong hindi ko inakalang mapapako lang pala.

Naging madalas ang paglabas namin ni Austin. Mula sa palagian naming pagsayaw sa bar kung saan may mga fans na kami tuwing gabi hanggang sa hilig naming sports gaya na lang ng billiards kung saan lagi syang napipikon dahil madalas ko syang matalo. Binabawian naman nya 'ko kapag sinasama nya 'ko sa paggogolf. Rich kid talaga ang loko, ganun ang mga trip nya lakas nya talagang makasosyal. Minsan sinasama ko rin sya sa mga trip ko gaya ng firing. Sobrang hot nya sa tuwing seryoso syang humahawak sa gatilyo ng baril lalo na kapag kinalabit na nya yun dahil lumilitaw bigla yung mga ugat sa braso nya.

Halos naging araw-araw na nga kaming magkasamang dalawa at parang sya na nga ata ang pinakamatagal kong naging boyfriend sa buong buhay ko. I think it's already been three months and  within those months mas nagkakilala pa kami ng husto. Halos pareho lang naman talaga ang kwento ng buhay naming dalawa kaya siguro naging magaan ang loob namin sa isa't isa.

Naiintidihan nya ako at naiintindihan ko rin sya. We just clicked together at sa totoo lang sa tuwing magkasama kami, madalas parang hindi na namin namamalayan ang  mga oras at para bang nakakalimot na kami na laro lang ang lahat sa amin. Hanggang sa isang gabi habang nakatambay kami sa park at seryosong naguusap tungkol sa mga bagay-bagay...





"Ooohhh! Look who's here! Akalain nyo nga naman, sila nang dalawa ngayon ang naglolokohan?"





Tatlong lalaki ang biglang lumapit sa bench kung saan kami nakaupo. Medyo madilim sa pwesto namin kaya hindi ko agad nakilala ang nagsalitang yun pero naging pamilyar sa'kin ang boses nya. Nung masinagan na sya ng liwanag ay saka ko palang sya nakilala. He's Jake, ang isa sa mga bitter na ex ko. Member sya ng isang gang at kahit na matagal na panahon na nung pinagmukha ko syang tanga sa harapan ng mga gangmates nya e hanggang ngayon hindi pa rin sya nakakamove-on. Mukhang nadagdagan pa ang pagkabadtrip nya dahil kami na ni Austin ngayon. Isa kasi ang kapatid ni Jake sa mga babaeng nabiktima ni Austin kaya noon pa man ay mainit na rin talaga ang dugo nya rito.





"Love Game Book 1: The Game Changer"Where stories live. Discover now