6

172 7 1
                                    

CRUSH, MAHAL KITA

by: someone

Para kang asukal

Sintamis mong magmahal.

Para kang pintura

Buhay ko ikaw ang nagpinta.

Para kang kumot

Na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot.


Teka,

Bakit parang galing 'yun sa kanta?

Sorry na

Pero gusto kong iparamdam sa'yo kung gaano kita

Kamahal, aking sinta.


'Kay sarap pakinggan ang iyong boses

At kay sarap pagmasdan ang iyong mga ngiti

Masaya ako tuwing naririnig kitang tumatawa

Dahil alam kong masaya ka.


Malayo man tayo sa isa't isa

Hindi naman iyon hadlang para ibigay 'yung puso ko sa'yo nang kusa.

Alagaan mo 'yan

Dahil mamahalin kita ng walang hanggan.


Ikaw,

Ang pinakaunang mahal at unang nagpatikbo ng puso ko.

Ikaw,

Ang laging bumubuo ng araw ko.

Ikaw,

Ang dahilan kung bakit masaya ako.

Hindi ko inaasahang darating ka sa buhay ko

Pero hindi kita masisisi, mahal ko.

Poems for No One (COMPLETED)Where stories live. Discover now