22

73 8 0
                                    

LINYANG PULA


Isang pulang linya ang nakita ko.

Maraming tao ang dumayo.

Si mama, si papa, lahat ng mga kamag anak ko

Pinalibutan ang katawan ko.

Sawakas napansin na nila ako...


Isang sigaw ang narinig ko

Tumakbo hanggang sa dulo

Luha ko'y namugto

Hindi ito totoo

Wala na ang anak ko...


Kanino ang sulat na ito?

Nakapangalan kanino?

"...Mahal ko kayo, nagmamahal Leo."

Dali dali akong tumakbo

Huli na, ito na ang huling pagkikita.


Hindi nila nakita

Ang dahilan ng pagkawala...

Magandang kinabukasan 

Tila bang winakasan

Ng minamahal kong... pinsan


Kung kailan huli na ang lahat.

Ngayon palamang sila dumilat.

Hanggat maaga pa

Tulungan at gawan ng paaran para maiwasan

Kung hindi? Isang linyang pula ang iyong makikita.





Poems for No One (COMPLETED)Where stories live. Discover now