29

55 6 0
                                    

BULAKLAK

by:detoroiteusmasheu

Ngiti ng isang dalaga ang nagpakaba

Isang taon na rin ang nakalipas

Noong nakita ko na may pag-asa pa,

Pag-asang magbago at bumalik sa dating landas.


Akala ko tuluyang mahuhulog na sa kadiliman 

Tatahakin ang mga bigat, sakit sa buhay

Puso na sugatan hanggang sa kalaliman 

Akala ko wala na akong buhay.


Ligaw na binata ang dating nakikita,

Mga kaibigan pilit tulungan 

ngunit, walang naipaglaban

Iyak, sugat at sakit ang nadarama

Noong di pa kita nakilala


Ngiti na pilit ipinapakita,

Itago ang sakit na nadarama

Tumawa para di mahalata

Magtago pag di na kinakaya


Madilim ang aking paningin

Nakahawak ang kamay sa tukso

Pilit na umaalis para pigilin

Pero huli na, huli na upang sumaklolo


isang bulaklak ang lumiwanag

Nasilaw at nagtaka

Ano itong nakikita?

Pag-asa? o Kamatayan?


At doon ko nalaman 

Na ang bulaklak na nakita ay hindi kamatayan

Kundi pag-asa

Pag-asang bumalik at magbago

Pag-asang makawala sa hawak ng tukso


Isang taon na rin noong ako'y nakawala

Sa kamay ng tuksong nagwawala

Isa ka sa mga tumulong upang ako'y magbalik

Minahal ako at tinanggal ang sakit


Maraming salamat sa iyo

Sa paglipas ng panahon 

Sana ang kagandahang loob mo

Ay maisukli ko rin habang may pagkakataon


Bulaklak na lumiwanag

Puso ko'y nabihag

Napamahal ng sobra

Natuto at Kumawala

Poems for No One (COMPLETED)Where stories live. Discover now