8

134 8 0
                                    

LUHA

by: julietta

Luha ay pumapatak, kapag ika'y nasasaktan
Maaari din naman ito'y sa sobrang galak,
At kapag nakita ng kapwa na hirang
Kasunod na nito ang paglingang ganap.

Agad magtatanong kung ano ang nangyari?
May problema ka ba? O may umaapi?
Maaari din naman na may sumasakit
O hindi matiis ang bigat ng dibdib.

Pero mas masarap na ika'y lumuha
Nang dahil sa tuwa at sobrang galak
Dahil sa biyaya na iyong natanggap
Kaya't sa pasalama't ang luha'y pumatak.

Ngunit mas masarap na ika'y lumuha
At ito'y pahirin ng mahal mong sinta
Na nasa iyong tabi, kasabay ang sabing,
"Hindi ka nang luluha pang muli."

Poems for No One (COMPLETED)Where stories live. Discover now