Bonus Chapter (Abhor's Last Note)

1.6K 51 19
                                    

Dahil marami akong napaiyak sainyo, bibigyan ko kayo ng Bonus Chapter na siguradong magpapaiyak pa sainyo lalo HAHAHA ENJOOOY!!

~~~

Rosie's pov

Alam ko malaki ang kasalanan namin kay Abhor kasi hindi namin naparamdam ang lahat sakanya. Nalukungkot ako kasi nawala siya saamin ng hindi niya nararamdaman ang tunay na pagmamahal galing sa pamilya niya, Oo ako ang may kasalanan kung bakit siya iniiwasan ng mga tao sa school. Kasi naiinggit ako.

Naiingit ako kasi naririnig ko gustong gusto nila siya kaibiganin kasi daw mabait, masipag, matalino, lahat na nasa kanya. Kaya ako dahil sa kagustuhan ko gawing miserable ang buhay niya lahat ng mga nagtatangka makipag kaibigan sakanya sinasabihan ko na wag na nilang gawin kasi sisirain lang niya ang buhay nila gaya ng ginawa niya sa pamilya namin. Hanggang sa kumalat ang balita at lahat na ng tao sa school ang may alam. Pero ngayon unti unti ako nagigising sa katotohanan na tama naman pala sila na kay Abhor na lahat ng magagandang katangian. Nabulag  kami ng galit hindi namin nakita ang isang masayahin, mapagpakumbabang anghel na binigay Niya saamin

Tama nga yung kasabihan ng mga matatanda nasa huli ang pagsisisi. Nandito ako ngayon sa kwarto niya  tumitingin sa mga alaalang iniwan niya. Marami siyang nakuhang medal halos mapuno ang kwarto ng mga medalya at mga paintings niya pero may isang nakakuha ng attensyon ko. Ang picture naming apat ako, si kuya, mommy at daddy tapos may isang maliit na larawan niyang ginupit at pinag sama sama sa iisang frame. "Abhor sorry. Sorry kasi wala akong kwentang ate sayo. Kahit isang family picture na kumpleto tayong lima ay wala. Abhor patawad. Patawad." Pero may napansin ako sa likod ng frame may... May Sulat! May sulat na iniwan si Abhor para saamin...

3rd person pov

Malungkot na nag uusap ang pamilyang De Vera dahil sa pagkawala ni Abhor lahat ay hindi makapaniwala parang kailan lang ay itinataboy nila ito dahil ayaw nilang makita at makasama tapos ngayon nagluluksa sila sa pagkawala niya. Nang biglang dumating si Rosie galing sa kwarto ni Abhor bitbit ang isang sulat...

To my beloved family:

Kung nababasa niyo po ito ngayon siguro wala na po ako.  Gusto ko po magpasalamat kasi binuhay niyo ako,  thank you po kasi hinayaan niyo akong makasama kayo, binigyan niyo po ako ng pagkakataon maiparamdam ang pagmamahal ko sainyo.

Kuya, alam mo pinagmamalaki kita sinasabi ko sakanila ako may  kuya akong matalino, at sobrang madiskarte sa buhay. Kuya ang swerte ko kasi ikaw ang kapatid ko alam ko hindi mo pababayaan sila mommy. Mahal na mahal kita kuya

Ate Rosie, Proud na proud ako sayo ate ko, sa tuwing may pageant ka diba ayaw mo akong sumama para manood sayo kasi malas ako, alam mo ate pinapanood parin kita tapos pag ikaw na yung lumalabas sa stage ako ang may pinakamalakas na sigaw. Diba may puntos din ang audience impact? Kasi iniisip ko Kahit sa sigaw ko nalang at least may ambag ako para sa contest mo. Tapos sa tuwing nananalo ka sobrang saya ko kasi minsan lang kita makitang masaya. Gusto kong lumapit para yakapin ka, para icongratulate ka kaso baka masira ko lang ang araw mo kaya hindi nalang. Ate mahal na mahal kita wag mo pababayaan sarili mo. Asahan mo na lagi kitang papanoorin sa lahat ng pageant na sasalihan mo.

Mr De Vera/Daddy sobra sobrang thankful po ako sayo kasi hinayaan mo akong maging part ng pamilya mo kahit na sinira ko ang buhay niyo salamat po kasi pumayag ka na tawagin kitang Daddy naniwala po ako na buo ang pamilya ko dahil sayo/ sainyo.

Mommy... Mommy sorry po kasi nasira ko buhay mo.. sorry po kasi hindi ako nalaglag sa sinapupunan mo dati, mommy kung alam ko lang po sana... sana hindi na po ako kumapit... Sana... Sana nagpalaglag nalang po ako para hindi ka na po naghirap... Para hindi mo na araw araw nakikita ang bunga ng ginawa sayo ng tunay kong daddy. Pero salamat po kasi pinalaki niyo ako, alam ko mommy mahal niyo po ako, minahal niyo din po ako kahit kaunti at yun po yung pinanghahawakan ko para mabuhay sa mundong to. Mommy nagsisisi po ako. Sana hindi nalang ako sumagot para sana hindi ka nagalit at hindi ka inatake sa puso. Pero alam mo po siguro yun na rin yung ginawang way ni Lord para tapusin ang paghihirap mo/nating lahat. Kasi mawawala na yung sakit mo sa puso tapos yung dahilan kung bakit nasira ang buhay mo. Mommy... Ako po ang heart donor mo... Kasi wala nang ibang compatible sa puso mo mommy kung maghahanap pa sa ibang bansa baka hindi kana abutan ng umaga, kaya nagdesisyon na po ako na yung akin nalang ang ibigay sayo. Kasi mommy kung mawawala ka kawawa sila ate, daddy at kuya mawawalan sila ng ilaw ng tahanan. Samantala pag ako ang mawala walang mawawala sainyo. Magiging masaya pa kayo lalo at tatahimik na ang buhay niyo.. mommy isa lang po ang hiling ko ingatan mo po yung puso ko ha. Kasi hanggat pumipintig yan. Pinaparamdam niya sayo/sainyo na MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO KAYO at kung bibigyan ako ng isa pang pagkakataon hindi ako magdadalawang isip na gawin ulit ang ginawa ko ngayon... Mahal ko po kayong lahat.

Paalam po at salamat po sa lahat lahat. Hanggang sa muli
                                                               -Abhor

~~~

"Patawad! Patawarin mo ako anak! Kasi nabulag ako! Pinabayaan kong kainin ako ng galit! Patawarin mo si mommy anak kasi imbes na pagmamahal, galit at sakit ang naibigay ko sayo. Patawad anak patawad napaka wala kong kwenta bakit ko nagawa sayo ito. Abhor baby kung bibigyan pa tayo ng pangalawang pagkakataon hindi mo na kailangan gawin yun kasi hindi ko na hahayaang mangyare yun anak. Bumalik ka sa saamin... Pangako hindi mo na mararamdaman ang sakit na pinaparamdam namin sayo... Sana hinayaan mo nalang ako mawala kasi mas karapatdapat kang mabuhay saakin anak. Hindi pa namin napaparamdam ang tunay na pagmamahal sayo anak. Hindi mo ako deserve bilang nanay napaka bait mo nasayo na lahat na hinihingi ng isang magulang nabulag lang kami para hindi makita yun anak. Wag ka mag alala anak dahil hanggat buhay si mommy gagawin namin ang lahat para iparamdam sayo lahat lahat. Mahal na mahal ka namin Abhor.

~~~
DONEEE! THANK YOU FOR SUPPORTING THIS SHORT STORY BABIES!!!  IF YOU HAVEN'T RED MY OTHER STORY YET READ IT NA AGAD SAME GENRA DIN SILA ANG TITLE IS "THE FORGOTTEN DAUGHTER" Diary type naman siya yun lang naman THANK YOU FOR READING 😘🥰

The Unwanted DaughterWhere stories live. Discover now