Last Chapter

1.9K 43 14
                                    

" Mommy look! I got the highest score"
"Go away abhor I don't care!"

"Mommy I heard you're sick kaya nagluto po ako ng paborito mong soup" ngiting ngiti sabi saakin ni Abhor
"Kung ikaw din naman ang nagluto. Wala na akong gana. Get out! Nakakadiri ang pagmumukha mo!"
"Mommy konti lang po. Sige naaa. Tikman mo lang po"
"A.Y.A.W. K.O! Mahirap bang intindihin yun? Bwiset! Dun mo yan ipatikim sa mga aso! Bwiset na batang to"

"Mommy recognition na po namin. As usual ako po ang top 1! Mommy sabitan mo po ako ng medal ha?"
"Mas importante ang graduation ni Rosie. Doon kami pupunta ng daddy mo"

"Happy birthday mommy! I hope you'll enjoy your day! I love you Mommy!"
"Kanina nag eenjoy ako pero ngayon nakita ko na ang mukha mo nabibwiset na ako! Alis! Dun ka muna sa labas! Ayaw kong makita ang mukha mo ngayon!"

Pilit kong inaalis sa akin isipan ang mga sinabi saakin ni Rosie. Papatunayan ko sakanya na hindi yun totoo. At sasabihin ko sakanya na napaniwala lang siya ng mga kasinungalingan na ginagawa ni Abhor. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hanggang ngayon ay sumusunod parin ako dito sa doctor na ito. Siguro kasi gusto kong patunayan na walang katotohanan sa mga bagay na pinapaniwalaan nila.

"Nandito na po tayo madame"

"Hindi! Hindi to totoo! Parte lang to ng palabas niyo! Abhor anak magpakita kana kay mommy. Tama na ang palabas anak! Halika na!" Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayare. Please tell me bangungot lang ang lahat. Hindi to totoo! 

Abhor Del Vera
Born: September 24, 2002
Died: February 4, 2020

"Anak!... Patawad!... Patawarin mo si mommy! Hindi mo man lang naramdaman ang pagmamahal namin sayo. Kung maibabalik ko lang ang panahon sana pinahalagahan kita. Sana hindi ko sayo ibinuhos lahat ng sama ng loob ko sa demonyong yun. Anak napakasama kong Ina! Ngayon ko lang narealize ang laki kong tanga para hindi makita ang halaga mo. Anak mapapatawad mo pa ba ako? Ayos lang saakin kung hindi na. Alam ko naman na walang kapatawaran ang mga kasalanang ginawa ko. Pero isa lang ang mapapangako ko sayo. Iingatan at aalagaan ko itong puso mo. Anak hindi ko sasayangin ang pagkakataon na binigay mo saakin. Dahil alam ko na hanggat buhay ako ay nabubuhay ka rin dito sa puso ko. Mahal na mahal kita anak at kung bibigyan ako ng pagkakataon at maibabalik ko ang panahon na kasama ka, hinding hindi ko na gagawin ang ginagawa ko sayo dati. I'm sorry if I let you feel unloved. Sorry.. sorry sa lahat lahat anak! Simula nung isilang kita hindi ko naiparamdam sayo ang pagmamahal. At ngayon huli na. Wala ka na. Patawad"

The Unwanted DaughterWhere stories live. Discover now