Chapter 5

1.4K 36 3
                                    

"Iha sigurado ka ba? Hindi magandang desisyon ang gusto mo"

"Opo doc. Sigurado na po ako. Buo na po ang desisyon ko" Buong pusong sagot ko kahit na ang totoo ay hindi naman talaga buo ang pasya ko

"Sigurado akong hindi ito magugustuhan ng mother mo" iiling iling na sabi saakin ng doctor habang may pinapapirmahan siya saaking waiver. Ngiti lang ang sinagot ko sakanya kasbay ng pagbigay ko sakanya ng mga dokumentong pinapirmahan niya saakin.

Sana tama ang desisyon na ginawa ko. Isang oras... Siguro sapat na yun para maipadama ko sakanila ang pagmamahal ko. Sana sa loob ng isang oras mabago ang lahat. Sana maramdaman ko na ang pagmamahal nila saakin kahit isang oras lang. At least aalis akong masaya kasi naramdaman ko na sa wakas ang pagmamahal galing pamilya namin. Mommy you should be proud kasi sa wakas nakagawa na ng tama si Abhor.

Dumeretso na ako sa kwarto ni mommy syempre kasi gusto ko silang makasama hanggang sa huling minuto...

Ang ganda nilang panuorin ang saya saya nila ate kasi nagising si mommy isa daw yun magandang sign na makakayanan ni mommy ang operation niya. Atsaka nagdiriwang din kami ngayon kasi may Heart donor na si mommy. Binigyan niya kami ng isang oras para ipagpatuloy ang kasiyahan habang inaayos pa nila ang gagamitin sa operating room.

10 minutes...

Nagpaalam na ako kay daddy sabi ko ay magdadasal muna ako sa chapel.

5 minutes...

Alam kong tama ang gagawin kong desisyon dahil  kahit na hindi ko naramdaman ang pagmamahal na pinapangarap ko alam ko naman na ibibigay nila iyun kay mommy at magiging parte na ng pagkatao ni mommy ang puso ko kaya sigurado ako na kahit papaano ay mararamdaman ko din ang pagmamahal nila

Pinasok na nila dito sa Operating room si mommy hindi ko na naintindihan ang mga nangyayare sa dito sa loob dahil na kay mommy lang ang atensyon ko kasi gusto ko siya ang una at huling taong makita ko bago mawala dito, mommy ko, mahal na mahal po kita. Lahat gagawin ko para lang maging masaya ka tama na ang ilang taon sa pagdurusa mo sa pagkakataong ito ay magiging masaya kana mommy. Hindi mo na ako makikita at hindi mo narin araw araw maaalala ang mga nangyare noong araw na iyun. Ngayon mapuputol na ang ugnayan mo sa tatay. Mommy magiging malaya kana sa sakit at sa madilim mong nakaraan.

"Ms. Abhor itutusok ko na po" isang tango lamang ang isinagot ko. I guess this would be my farewell. Mahal na mahal ko po kayo. And everything turns black

The Unwanted DaughterWhere stories live. Discover now