Chapter 2

1.4K 35 1
                                    

"Ohana means family. And family means nobody gets left behind or forgotten"

---

"Mommy! I passed my exam and guess what I got the perfect score atsaka mommy candidate pala ako sa isang pageant" taas noong kwento ni ate rosie kay mommy well knowing ate rosie siya talaga yung pinakamatalino saamin wala na nga siyang mahihiling pa kasi maganda na matalino pa beauty and brain nga ang tawag sakanya ni mommy pag pinagmamalaki niya ito sa mga kaibigan niya. Kilala din si ate sa school bilang Ms. Genius dahil sa sobrang taas ng IQ niya

"Syempre hindi ako papatalo alam mo mhie nakakuha ng pinakamataas na rates ang ginawa kong online game and kinukuha po ako ng isang kumpanya para maging isa sa mga magagaling nilang empleyado" Nakangiting kwento ni kuya, mababakas mo ang kagalakan sa mga mata niya. Masaya ako sayo kuya unti unti mo nang naaabot mga pangarap mo

"Proud ako sainyo mga anak! Dibale pagdating ng daddy niyo sasabihin ko agad na mag oout of town tayo yun na ang premyo namin sainyo atsaka Rosie baby sa saturday sumama ka saakin kasi magpapagawa na tayo ng gown na isusuot mo sa pageant" Masayang sambit ni mommy, nakakaproud naman talaga sila ate at kuya kahit ako ay proud na proud sakanila.

"Ahm M-Mom-Mommy ako po ang top-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumagot si mommy "I lost my appetite" sabay bagsak niya sa mga kubyertos na hawak niya atsaka umalis na sa hapag kainan napayuko nalang ako "Nakakawalang gana.  May nagsalita kasing hampaslupa" biglang umalis si Ate rosie na siyang sinundan ni kuya. Nanatili lang ako nakayuko habang patuloy na umaagos ang luha ko. Masakit parin pala kahit na ilang ulit na nilang sabihin saakin ay lagi parin akong nasasaktan. Pinunasan ko nalang ang luha ko atsaka pumunta na sa kwarto.

"Ang gagaling talaga ng mga anak ko! Anong gusto niyong premyo?" Nagising ako sa ingay na nangagaling sa ibaba. Nandito na si daddy! Sasabihin ko din na ako ang nagtop 1 sa school sigurado matutuwa siya! Agad kong inayos ang aking sarili at nagpasya nang bumaba "Sabi ni mommy mag oout of town tayo yun daw yung price niyo saamin" rinig kong sabi ni Ate rosie "Syempre iba ang price ni mommy at iba din saakin. Sooo ano ang gusto ng mga baby ko?"
"Cellphone/Laptop" sabay na sabi nila ate. Ako daddy wala akong ibang gusto kundi ang maramdaman ang pagmamahal na binibigay niyo kila ate

"Daddy!" Masaya kong tawag sakanya ngunit hindi niya ata ako narinig matagal din siyang nawala dahil may inasikaso siyang lupa sa cebu kaya sobra kong namiss ang daddy, kahit naman hindi nila ako pinapansin ay mahal ko parin sila. "Daddy!" Tawag ko ulit sa pagkakataong ito ay lumingon na siya saakin ngunit hindi siya nakangiti. Hindi ko napigilan ang aking sarili at niyakap ko na siya ng sobrang higpit " Namiss po kita daddy! Daddy alam mo po ba ako ang nagtop-" sa pangalawang pagkakataon hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko dahil tinulak ako ni daddy ng malakas

"WAG KANG LALAPIT SAAKING BABAE KA! HINDI KANA NAHIYA YUNG MGA KAPATID MO GINAGAWA NILA ANG BEST NILA SA PAG AARAL TAPOS IKAW MAGLALAKWATSA KA LANG? ANO BALAK MO MAGREBELDE? UMAYOS AYOS KA ABHOR HA! MAKAKATIKIM KA SAAKIN! LETSE LAGI NALANG PASAKIT ANG DALA MO SANA KASI HINDI KA NA NABUHAY! BWISET!"

"Daddy..."  Tama na po masakit na. Lumuluhang tingin ako kila ate rosie at nakita ko siyang nakangisi ate, masaya ka bang nakikita akong nasasaktan? Sinubukan kong magpaliwanag kay daddy ngunit hindi na niya ako binigyan ng pansin.

Bakit ganun nalang ang galit saakin ni daddy? Bakit ako lagi ang may kasalanan? Bakit lagi nalang sila ate ang pinapakinggan niyo? Mommy daddy, anak niyo po ba talaga ako?

The Unwanted DaughterWhere stories live. Discover now