Chapter 4

1.3K 31 0
                                    


Nakita ko si Ate Rosie na may dalang malaking maleta saan kaya siya pupunta? Imposible namang lalayas siya kasi wala naman siyang dahilan para lumayas "Ate! Saan ka pupunta? Bat may dala kang bag? Hindi ka naman lalayas diba?"

"For your information wala akong plano lumayas atsaka ito mga gamit to ni mommy kasi inatake nanaman siya ng sakit niya sa puso dahil sayo! Alam mo Abhor ikaw nalang lagi yung nagbibigay ng sakit kay mommy. Hindi ka ba naaawa sakanya grabeng hirap na nga ang pinag daanan niya nung pinagbuntis at pinanganak ka hanggang ngayon ba naman. Abhor please! Please lang umalis kana wag ka nang magpapakita saamin. Wag mo nang ipaalala kay mommy ang nakaraan kasi Abhor sa tuwing nakikita  ka ni mommy lagi niyang naaalala ang mga pangyayaring binabaon niya sa limot. Kaya please!  Sa ganung paraan magiging masaya kami. Umalis kana Abhor! Get lost!!" Ate sorry pero hindi ko yata kaya ang gusto mo. Kayo lang ang pamilya ko. Kahit na iba ang turing niyo saakin kayo ang pamilya ko at pag iisipin ko na lalayo ako sainyo hindi ko kaya. Ate hindi ko kaya

"At para lang alam mo delikado ang sitwasyon ngayon ni mommy pag wala kaming nahanap na compatible heart donor kay mommy mawawala na siya saamin ng tuluyan and it's all because of you and your selfishness alam mo naman na may sakit si mommy pero ano? Pinilit mo parin ang gusto mo! It's all your goddamn fault! And I'll forever hate you Abhor!"

"Hindi! Hindi yan totoo! Ate nagsisinungaling ka lang"

"Hindi ka naniniwala saakin? Edi sumama ka para makita mo ang kaawa awang itsura ni mommy sa hospital"

Hindi ko kayang pumasok sa kwarto. Hindi ko kayang makita si mommy ibang iba ang itsura niya ngayon masyado na siyang matamlay

"Masaya ka na ba? Ha!? Ayan tignan mo ang resulta ng ginawa mo! Ikaw nalang lagi ang may kasalanan! Ikaw nalang lagi ang dahilan! Alam mo pinagsisisihan ko kung bakit pinalaki ka pa namin sana nung bata ka palang pinamigay ka na namin edi sana hindi aabot sa ganito ang lahat!"  Binigyan niya ako ng isang malakas na sampal naramdaman kong pumutok ang labi ko pero hindi ko na ininda ang sakit. Kasi mas masakit masampal ng katotohanan na ako nga talaga ang may kasalanan ito na siguro ang panahon para itama lahat ng pagkakamali na ginawa ko.

The Unwanted DaughterWhere stories live. Discover now