Birthday

891 35 0
                                    

WINTERINS ACADEMY
CHAPTER 31 : BIRTHDAY

Sumapit ang gabi at kinalimutan ko na ang nakita ko kaninang tanghali. Ang sabi pa nga sa akin nila Jea ay para akong t*nga na palingon-lingon sa paligid, akala mo'y may kalaban kahit wala.

Tinawanan ko lang sya sa sinabi nya at hindi ko na sya sinagot.

Ngayon nama'y nagsusulat kami sa table.

"Jea, anong sagot dito?" Tanong ni Nath.

"Ewan, ako pa tanungin mo, edi parehas tayong nazero"

"HAHAHAHA"

Nagtawanan naman kami. May assignments kasi sila habang ako nama'y inaayos ang scheds ko, kahit wala nanaman akong aayusin.

"Dyan na muna kayo, pupunta lang ako sa Garden" paalam ko sa kanila.

"Kanino ka naman makikipagkita?"

"Gaga, gusto ko lang maggitara doon, kasi doon walang madidisturbo"

"Weh?"

"HAHAHAHA"

Napailing na lang ako sa kanila at kinuha ang gitara ko bago ako lumabas. Sanay nanaman sa akin si Ateng Manager na lumalabas tuwing gabi.

Nang makapunta ako sa garden ay parang may tao pero wala rin naman. Baka guni-guni ko lang.

Umupo ako doon at tumingala sa langit, walang stars ngayon at panay ulap lang.

Nagstrum ako ng guitar at kumanta.

"Say something, I'm giving up on you~" pauna kong kanta at nagstrum ulit.

"I'll be the one, if you want me to~" tila may emosyon kong kanta.

"Anywhere, I would've followed you
Say something, I'm giving up on you~"

Oh Intro pa lang to. Kapag talaga ako nagkacellphone, magvivideo ako ng sarili ko, icocover ko yung kantang to, confident naman ako sa boses ko.

"And I am feeling so small~" kanta ko.

"It was over my head
I know nothing at all~"

Yeah I know nothing.

"And I will stumble and fall
I'm still learning to love
Just starting to crawl~"

Yeah, because this is my first love ever. Nagkakacrush lang naman ako but never been inlove.

"Say something, I'm giving up on you~"


[CZADE]

Nitong mga nakaraan ay nagpapanggap kami ni Yara na mag on, that I am interested to her but the truth is not. Sabi nya ay tutulungan nya daw ako na mapaamin si Allequiane if gusto nya ako o hindi.

Pero wala namang nangyayari, effective ba itong ginagawa namin?

Kaninang lunch ay kahit na nagseselos ako'y wala naman akong magawa, hindi ko kayang gawin ang ginagawa ni Jasper dahil masisira ang plano.

Tsk. The hell with that plan! Aamin ako if gusto ko argh. Torpe kasi.

Ngayon ay kadarating ko lang sa garden. Uupo na sana ako nang makita si Allequiane na may dalang gitara kaya nagtago naman agad ako sa likod nung malaking puno.

WINTERINS ACADEMY: SCHOOL OF MAGICIANS (COMPLETED)Where stories live. Discover now