Confession

940 37 0
                                    

WINTERINS ACADEMY
CHAPTER 34 : CONFESSION

[JEA]

Masakit ang ulo ko nang magising ako, it's already 7:30 am kaya agad akong napabangon at nahihilo pa ako.

Inom pa, ayan Jea..

Napailing na lang ako at nagmamadaling naligo at nag ayos ng aking sarili.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas, nakita ko si Ali na naghanda lang ng sandwich kaya agad akong kumuha at kinain ito ng mabilisan.

Lumabas naman ang dalawa sa kwarto at bihis na sila. Lahat kaming apat ay kumuha ng sandwich at ng tubig tsaka lumabas at tumakbo papunta sa room.

"Ali bakit pati ikaw nakikitakbo? Hindi ba hindi ka naman papasok ngayon?" Sabi ko sa kanya.

Bigla naman namula ang mukha nya kaya nagtaka ako.

"A-Ano, wala no! Gusto ko lang tumambay sa room nyo haha.."

'bakit namumula mukha mo Ali? May nangyari kahapon sa inuman no?' sabi ni Nath dito.

'Wala no! Mga gaga iyan nga si Jea, nanatili na lang doon kay Hydle mag isang nasayaw' sabi ni Ali.

Nagulat naman ako at inalala ang nangyari kahapon.

FLASHBACK..

Nagulat ako dahil bigla na lamang may celebration ng birthday ko ang nangyari kanina. Nakalimutan ko ito pero akala ko nakalimutan din nila, kaya pala Ali is acting weird. But honestly, it makes me happy, someone remembered your birthday even if there's so many things to do for the upcoming war.

So yeah, nagulat rin ako si Ali bumili lahat lahat, edi kaunti na lang pera nya?! Halaaaa.

Ngayon ay pumunta sila Hydle. I don't know kung bakit sila pumunta dito dahil lahat sila nagulat sa celebration na nagaganap at hindi alam kung sino may birthday.

Si Hydle.. haha baka kasi maging katulad ng dati sa ex ko, baka magpauto nanaman ako, baka kasi magcheat sya sa akin kagaya ng ex ko pero hindi ko naman sinasabing cheater sya at isa pa hindi nya naman ako gusto HAHAHAHA okay that's the truth.

Nag-inom kami dito at mukhang tinamaan na ako ng alak dahil kasayaw ko na si Hydle. Sa room na ito, may sari-sarili kaming mundo.

"Jea, lasing na lasing ka na!" Rinig kong sabi ni Hydle sa akin.

"Alam ko, akala mo sakin bobo?"

"Hindi naman, pero tara na sa kwarto mo"

"Ayoko! Sayaw pa tayo!" Makulit kong sabi at isinayaw-sayaw sya.

Hindi ko alam ang ginagawa ko basta masaya okay na.

"Bakit ka nandito Hydle? Nasaan Fiona mo?" Nakanguso kong tanong sa kanya.

WINTERINS ACADEMY: SCHOOL OF MAGICIANS (COMPLETED)Where stories live. Discover now