Kiss

859 34 1
                                    

WINTERINS ACADEMY
CHAPTER 40 : KISS

Nauna na ako sa room because I thought I would see them but I didn't. Where the hell are they?

Napalingon ako sa pinto nang may pumasok and it is them.

"Hey! Where did you go?" I asked.

Nagtaka naman sila sa akin na hindi ko naman alam kung bakit.

"Huh? Ahh may tiningnan lang" sabi ni Phia.

"Meron kasing nangyaring incident sa forest" kwento naman ni Nath.

"Ahh.. oo alam ko" I said at nagpahalatang ako ang may gawa non.

"Paano mo nalaman?" Sabat ni Klaeden.

I think now nya lang ako kinausap.. or not?

"Duh bulung-bulungan dito eh, tingnan mo" sabi ko at inginuso ang mga estudyanteng mga nag uusap.

Good excuse ahihihi

Hindi naman nakasagot si Klaeden.

"Saan ka nagpunta kanina? Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Jasper.

Pahingi papel pambusal ng bibig.

"Nagcr ako diba? Tapos paglabas ko may nakasalubong akong weird na babae na sobrang kulit at gusto daw magpaautograph, celebrity ba ako? Tapos paglabas ko sumusunod sya sa akin dahil makulit pinirmahan ko papel nya pero ibang pirma tapos habang naglalakad naririnig kong bulung-bulungan, actually pagbalik ko sa cafeteria wala na kayo, hinanap ko pa kayo, nasaan ba kayo?" Nagtataka kong kunwaring tanong sa kanila.

Nagtinginan naman sila na parang nag uusap sa isip.

"Nag uusap ba kayo sa isip nyo? Teka nga, ako ba pinaghihinalaan nyong suspect?" Deretso kong tanong sa kanila na syang ikinagulat nila.

"Tss, alam kong brutal ako pero ganoon na rin ba ako kasama para doon sa nangyari sa Forest?"

"Hindi naman Ali, ano lang may injured kasi.." sabi ni Jea.

"So ako yung pinagbibintangan nyo?"

"N-No Ali! Wala kaming sinasabing ganyan, ang amin la--"

"No. Huwag na kayong magpaliwanag pa, it's okay" sabi ko at ngumiti na lang ng pilit bago umupo sa upuan ko at tumungo.

Great brains girls, but I'm hurt, gano'n na ba talaga kasama tingin nyo sa'kin? Huhu anyways sana mag improve pa sila sa pag iinvestigate, madali silang mahahalata.

Anyway, training now diba? Bakit nandito ang mga students?

"Good afternoon class, ang mga trainers ay hindi muna makakaattend ngayon because they have a meeting. So as you can see, I will just teach you some basics when it comes in tactics"

Tactics? K~

Nagsimula nanaman sya magturo and I already know it. Nath also know it, Jea is a bit struggling while Phia is just listening attentively.

Nang matapos ay agad naman kaming nagsilabasan.

'Ali, galit ka ba sa'min? Sorry ha?'

'Mga gaga ayos lang, ako lang naman malakas dito kaya ganon'

'Pero hindi naman talaga ganon kasi ang gusto naming sab--'

'Nath, It's okay, I'm fine, I'm good, I'm just tired, gusto ko ng tulog huhu'

WINTERINS ACADEMY: SCHOOL OF MAGICIANS (COMPLETED)Where stories live. Discover now