Birthday 2

876 36 0
                                    

WINTERINS ACADEMY
CHAPTER 32 : BIRTHDAY 2

Natapos ang klase at PE na. Nagsipuntahan naman sila doon, ang iba nga'y ayaw pa pero hinihila sila ng kanilang mga kaibigan.

Nagtataka ma'y sumunod ako sa kanila. Matagal na rin simula nang makumpleto ko ang araw ng pagiging estudyante haha.

"Ali? Sasama ka rin? Hindi ikaw yan Ali, sino ka?" Sabi ni Jea sa'kin na para bang sinapian ako.

"Bwisit ka Jea, makikisali lang eh" sabi ko sa kanya.

Tinawanan nya naman ako.

Nang makapunta na doon ay nakita ko ang mga estudyante na kararating lang na nag eexercise at pumila.

"Okay! Magsihanda na ang lahat sa pagtakbo! 50 laps!"

Shoot.. ako nagsuggest no'n. Kaya pala ganito haha.

"Pucha bakit kasi biglang naiba ang laps? Dati 20 20 lang" reklamo ni Jea.

Tiningnan naman nila ako kaya napataas ako ng dalawa kong kamay at ngumiti.

"Hindi ako" sabi ko at naunang tumakbo na sinundan naman nila.

"Sh*ta ka Ali! Ikaw pala ang sanhi ng hirap naming mga estudyante!" Sigaw ni Jea.

Lahat naman ng estudyante ay napatingin sakin ng masama.

"Habulin si Allequiane!!" Sigaw nilang lahat kaya napabilis ako lalo ng takbo nang makaisang lap ako at sila ay tatakbo pa lamang.

Napatawa ako dahil ang iba'y gusto akong higitin pero umiiwas ako.

"Nice reflexes Ali! Eto oh! Surprise!" Sigaw ni Nath at inatake ako ng tornado nya na sya namang ginamitan ko ng ice para mapafreeze ito.

"WOAAAAHHH!!"

"Gumagamit pala sya ng Ice?"

"Double yata sya!"

"Bahala na! Mapasingle o double o triple man yan, habulin!!"

Lahat nama'y lalong binilisan ang takbo kaya naman binilisan ko rin. Ang teacher namin ay napapatawa lang at napapacheer na lang sa ginagawa namin.

"Iwasan mo to!"
"Ito rin!"
"(Fire Ball)!"

Lahat sila ay ginagamit ang power kasali na rin ang tatlo kong kaibigan. Ako nama'y napapaiwas iwas habang natakbo. Training ba namin now? HAHAHAHA.

"KAPAG NATAMAAN NYO AKO, CANCEL YUNG TRAINING NYO MAMAYA KAY MISS TRIXIE! GO!" Sigaw ko at mas lalong binilisan ang takbo.

Ang teacher naman nami'y tumatawa at pumapalakpak. Dahil siguro sa nangyayari ngayon ay naattract namin ang atensyon ng ibang mga students at nanonood na ngayon sa amin.

"Bilisan nyo!"

"Tamaan nyo naman!"

"P*ta ang galing ni Allequiane umiwas!"

"Whoooo!! Baka Idol ko yann!"

Sigawan ng mga estudyante. Mukhang naging race na to ah?

"Madaya Ali! Magpatama ka!"

"Oo nga!"

"Si Ali madaya! Hindi kita ililibre mamaya"

WINTERINS ACADEMY: SCHOOL OF MAGICIANS (COMPLETED)Where stories live. Discover now