08 | New Start

432 45 33
                                    

AURORA'S POV

"Tada! What do you think?"

Lumingon-lingon ako sa paligid ko at lihim na namangha sa aking nakita. Nasa dorm na kami at unang bumungad sa'kin ang sala. May TV na nakakabit sa kulay abong pader. Sa harapan ng telebisyon ay isang mahabang couch. Sa dalawang gilid nito ay dalawa pang maliit na pabilog na upuan.

I noticed how their dorm did not have much color. Their color scheme was mostly grey, black and white. "The dorm looks great... but isn't it a bit too dull?" Cole asked jokingly. "Feeling ko nga nasa underworld na ako eh."

Natawa sina Talia at Callie. "Ayaw kasi nina Raven nang masyadong makulay. Gusto ko ngang rainbow nalang eh kaso biglang kumidlat kaya ayun," nakasimangot na paliwanag ni Talia.

"I actually like it this way. Maganda siya," komento ko habang tumitingin sa paligid. "It's dark and gloomy... just perfect."

Nakita ko agad ang mga bayolenteng reasksyon nila kaya napasimangot ako katulad ni Talia. "What?" tanong ko nang mapansin ang mga tingin nila sa'kin.

"Seriously? Love, you're beautiful but I can't say the same for your taste. Rainbows are the best!" magiliw na sigaw ni Talia.

Wala akong nagawa kundi mapabuntong-hininga bago ngumiti. "Nasaan kwarto namin?" pagbabago ko ng topic. Mukhang napansin na rin nina Callie na medyo pagod na kami kaya tinuro niya ang kwarto na nasa dulo.

"Your room is beside Tazyn and Talia's. Rest well, Aurora!" Ngumiti sa'kin pabalik sina Callie at Talia. "Cole, yours is beside Mavi's. Nasa dulo din ang iyo. Pupuntahan lang namin sina Amari, ayos lang ba kayo dito?"

Agad kaming tumango ni Cole. Nagpaalam muna sila bago kami iwan dito. I sighed once more. Naninibago kasi ako.

Kahit ganon, mas maayos na 'to. Mas maliit ang dorm kumpara sa malaking bahay namin ni Mira, at ibig sabihin nito mas makakasama ko sina Callie.

"Papasok na ako sa kwarto ko, ayos lang ba, Aurora?" tanong sa'kin ni Cole nang mapansin na medyo nalulungkot na ako.

Dahil dito, agad kong pinalawak ang ngiti ko. "I'm fine, papasok nalang din ako sa kwarto ko. Kailangan ko na din kasi magpahinga kasi pasukan na bukas."

He inspected me from head to toe before squinting his eyes. "Sigurado ka?" he asked once again, making me chuckle.

"Don't worry about me, Cole," I reassured him. I tapped his shoulder before leaving and entering my room.

Bumungad sa'kin ang kwartong katamtaman lang ang laki. Sa gitna ng kwarto ay yung queen-sized bed na may katabing dalawang stand table. It's what a typical bedroom would look like.

Umupo ako at napabuntong-hininga. Ngayong mag-isa ako, hindi ko maiwasang mapaisip. Ano kaya ang magiging kalagayan ko dito? Tama kaya na pumunta ako dito?

Pero sa tuwing naiisip ko na masasagot na ang mga tanong ko, may nagsasabing dapat dito nalang ako. This... is where I belong.

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now