38 | Awakened

173 12 0
                                    

MAVI'S POV

One hundred thirty-one... one hundred thirty-two... one hundred thirty-three...

Honestly, I lost track of how many daemons and cyclopes I've killed.

I kept slashing my sword without caring if I got injured or not. After Tazyn used up half of her energy, remind me to scold her after this, I felt better. Way better.

"Aurora!" Napatingin ako sa anak ni Hades nang tawagin ni Cole ang pangalan niya. Sabay-sabay kaming napasinghap nang makita ang papalapit na daemon sa kanila.

Lalapitan ko na sana silang dalawa ngunit naunahan ako. Tinakpan ni Aurora ang mga mata ni Tazyn upang hindi niya makita ang gagawin niya bago niya isinaksak sa mismong puso ng daemon ang kanyang feather blade.

Biglang nabitawan ni Aurora ang blade at pagkatapos ng ilang segundo, nahimatay si Tazyn.

Agad akong tumakbo palapit upang alalayan sila. Nakita ko ang pagsunod ng iba sa'kin. "What in Apollo's name happened?!" Una kong narinig ang boses ni Talia. Agad siyang lumapit sa kanyang kambal.

I held Tazyn's arm gently. Her eyes were closed, but fortunately, she was still alive. Just tired. "They had an encounter with a daemon, Talia. It's okay. They're okay," I assured her.

Nakita ko ang takot na dumaan sa kanyang mata habang nakatingin kay Tazyn. Niyakap niya ito nang mahigpit habang nanginginig. "I was so scared..." she whispered.

I gently patted her head to comfort her. Sunod akong napatingin kay Aurora na inaalalayan nina Callie at Cole.

"You okay, Aurora?" tanong ko sa kanya. Pinikit niya nang mariin ang kanyang mga mata bago ito imulat muli at tumingin sa'kin.

She beamed a smile, calming the whole of me. "Yeah..." Pumikit siya ulit. "I'm just tired." Sinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ni Cole.

I'm glad they're okay...

Humarap ako kay Talia. "Let me take her." Kinuha ko si Tazyn at binuhat ko siya. "Cole, take Aurora to the clinic," utos ko.

Agad na naalarma si Aurora sa sinabi ko. "Ayos lang ako..." bulong nito. Agad na napakunot ang noo ko. "Hindi naman ako nasugatan masyado," dagdag nito. I sighed.

"Pinagsasasabi mo? Sige ka, isusumbong kita kina Hiro!" Natawa ako sa banta ni Callie.

Aurora glared at Callie, and I could immediately see the resemblance between her and her father. Geez, she needs to calm down.

"Kaya ko pang lumaban." Stubbornly, she stood up and clenched her feather blade tighter.

I knew I couldn't stop her anymore, so I let her be. "Take care of yourself then. Ayokong malagot," bilin ko. I carried Tazyn and brought her to clinic.

I tried to avoid the path of our enemies, but they still managed to follow me. Fortunately, Kai and Aelia protected me while I snuck out. Aelia was even kind enough to summon a barrier for Tazyn while she rests.

Agad akong sinalubong ni Nurse Sav na abala sa pag-aasikaso sa mga pasyenteng sugatan. Napatingin siya sa'kin at sa babaeng hawak ko. "Mavi! Tazyn!" I could hear the urgency in her voice. "Oh gods, are you okay? Prepare an extra bed right away!" utos niya sa ibang staff.

Inilapag ko si Tazyn sa kama nang maayos ito. Inayos ko ang buhok niya at siniguro kong komportable siya. "You'll be fine..." bulong ko sa kanya kahit alam kong hindi niya ako naririnig. "You shouldn't have done that."

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now