12 | Companions

400 31 52
                                    

AURORA'S POV

Patuloy akong umaatras habang siya ay naglalakad palapit sa'kin. Nagtatapon siya ng mga bolang apoy na hinahati ko lamang sa gitna gamit ang sandata ko.

Ang hirap huminga.

So this is how powerful Hephaestus' son is...

Na kahit ano mang layo namin sa isa't isa, ramdam ko ang kapangyarihan niyang unti-unti akong hinahatak papunta sa kanya.

Cole's eyes looked scary, it was unrecognizable. They glowed bright yellow.

"Aurora, down!" May narinig akong sigaw mula sa likod ko. Out of impulse, I followed the voice.

Based on the shield that landed in front of me, I guess it was Amari who called me. Lumingon ako sa direksyon nila at nakita kong tumatakbo sila palapit.

"Callie, now!" Sunod kong narinig si Sir Saint. His voice was authoritative and commanding, to the point it gave me goosebumps.

Sa gilid ng mata ko, nakita kong ginalaw ni Callie ang kamay niya at kasabay non ang pag-ikot ng mga ugat sa mga braso ni Cole kaya napatigil ang pag-apoy ng paligid ko.

His eyebrows furrowed, trying to resist Callie's strength but failed. Unlike us, she has great control.

Gosh, I aspire to be her.

"Let me go, demigod!" Sa bawat segundo na lumipas, unti-unti kong napagtanto na totoo pala talaga ang sinabi ni Mira dati na sa oras na nagamit mo ang kapangyarihang hindi mo pa kontrolado ay wala kang makikilala, kasama na ang sarili mo.

Nakakatakot isipin.

"Ayos ka lang ba, Aurora?" Sunod kong tinignan si Tazyn na hinihila ako palayo sa kaguluhang nangyayari. "Nasaktan ka ba?" mahinahon niyang tanong.

Umiling ako bago ngumiti. "I'm not hurt... but I'm sure Cole is." Lumingon ako sa kaibigan kong pinagtutulungan ngayon ng limang kasama namin, kasama na si Sir Saint.

"That must hurt. Imagine getting struck by lightning, light and water all at the same time while being pinned down by vines," dugtong ko.

Kinuha ni Tazyn ang palad ko at nilapat ito sa palad niya. Ilang segundo lamang, nakita kong may lumabas na kakaibang ilaw mula sa kamay niya na nagbigay ng ginhawa sa'kin. "Woah," tanging komento ko. "You have healing powers?"

Masigla siyang tumango sa'kin at ngumiti. "Mhm! Astig, diba? Namana ko to kay Apollo," natatawang sagot niya sa'kin. "Ano, ayos na ba pakiramdam mo?"

Dahil sa kanya ay tuluyan na akong nahawa sa kaniyang mga ngiti. "Yeah," I replied. "Thank you... daughter of Apollo," I whispered gently.

Napahagikhik siya bago tumayo. "Dyan ka lang, ah? Pasensya na dahil hindi naman namin inaasahan na mapapalabas agad ni Cole ang kapangyarihan niya. Tutulungan ko lang sila," paalam niya sa'kin bago umalis.

Naiwan akong mag-isa na nakaupo sa upuan. Nakita kong maayos na din ang sitwasyon ni Cole, nahimatay ata siya, pero naiwan niyang sunog ang field.

Lucky him, I thought. Buti pa siya, nagagamit na ang kapangyarihan niya.

Pero naisip ko ring dapat hindi ko minamadali ang mga bagay na darating din sa'kin sa tamang panahon. Yeah, that's what I have to do.

Wait. Just like I always do.

Embracing Chaos (#1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora