15 | Unknown Fear

420 33 62
                                    

AURORA'S POV

Pagod akong napaupo sa sahig ng library. Sumandal ako sa isa sa mga bookshelf at huminga ng malalim. Mabuti na lamang ay humina na ang hangin at wala na rin ang babaeng nagsasalita sa utak ko.

Anong nangyari? Bakit... bakit ganon?

"Aurora!" Narinig ko ang isang boses. "Ayos ka lang?"

I closed my eyes in relief. Bakit sa lahat ng pagkakataon na nagiging mahina ako, ikaw ang laging nandoon? "I'm fine, Tazyn."

Napanguso siya nang makita ang kondisyon ko. "Anong nangyari sayo?"

I sighed before trying to stand up. Luckily, Tazyn was there to help me. "Wala, nadapa lang ako," pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang nangyari.

Agad niyang kinusot ang mata niya kaya napagtanto kong naiiyak siya. What in the realms...

"Tazyn!" I panicked. "A-ano, bakit ka ba ano-"

Suminghot-singhot siya. "Nasaktan ka eh. Ayaw kong nakikitang nasasaktan kayo."

I felt guilty. Dapat talaga nag-iingat na ako sa susunod eh!

Dahil don, nginitian ko nalang siya ng malumanay at pinunasan ko na rin ang mga luha niya. "Don't cry, Tazyn." For some reason, I hated the tears that fell from her eyes. "We still have class, sige ka, papanget ka," pang-aasar ko.

Mabuti nalang talaga at kahit papaano ay napatawa ko siya. "Gusto mo bang gamutin kita?" tanong niya. "Sinasabi din kasi sa'kin ni Talia na lagi siyang ayos pero..."

Hindi ko na siya pinatuloy at agad nalang akong sumang-ayon sa gusto niya. Oh for Hades' sake, I think I'm getting bewitched by this adorable demigod.

Katulad nang dati ay kinuha niya ang palad ko at itinapat ito sa palad niya. Lumabas ang isang matingkad na ilaw at naramdaman ko kaagad ang ginhawa.

"Thank you..." saad ko. "-Daughter of Apollo." Katulad nang lagi niyang ginagawa, nginitian niya ako bilang tugon.

Hinatak niya ang kamay ko. "Saan na tayo pupunta?" Teka, hindi pa ako nakakapagresearch, ang tunay na pakay ko dito.

"Malapit na kasi ang Demigodly Class natin eh. Baka naghihintay na sina Headmistress Adhira kasama ang iba," paliwanag niya. Napatango-tango nalang ako.

Sa susunod na nga lang ako magreresearch...

Napahinga ako ng malalim habang patuloy na binabagabag pa rin ng nangyari kanina. Habang tumatagal, mas lalo akong nagiging kuryoso sa pagkatao ng nightingale.

Ako ba ang tinutukoy nila? Kung ganon, paano ako naging isang nightingale?

"Aurora..." Nagsimulang magsalita si Tazyn. "Sigurado ka bang ayos ka lang dito sa Elysium Academy?" biglang tanong niya. Ha? Bakit bigla siyang nagtatanong ng ganon?

I pursed my lips before nodding. "Oo naman. Paminsan-minsan namimiss ko si Mira pero ayos lang. Kasama ko naman kayo eh."

Kamusta na kaya si Mira? Ayos lang kaya siya sa mortal realm?

Nakakatawang isipin na sa sandaling nagkakagulo ang isipan ko ay siya ang unang naiisip ko.

Namimiss ko na siya. Gusto ko ulit siyang makita.

"Tara na, Tazyn. Baka malate pa tayo."

۞۞۞

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now