40 | God of the Sun

186 11 0
                                    

TALIA'S POV

"Kailan kaya magigising si Aurora?"

The Elysians and I were in P.E class, but I didn't really pay attention. Nag-aalala kasi ako para kay Aurora, tatlong araw na siyang walang malay sa clinic.

Isa pa, ngayon ang dating ng Olympians.

"Pair up, everyone! We're gonna have a sparring session for today!" Sir Saint shouted. I groaned in response.

It's Sunday today, but the headmistress told us to train since Medusa has appeared. Mabuti nalang at hindi siya nagpakita nang sumalakay ang mga daemon at cyclopes.

"Tazyn, my love! Pair na tayo!" aya ko sa kambal ko. Nahihiya siyang ngumiti sa'kin.

"Kapartner ko na si Mavi eh..." Napanguso ako sa sinabi niya. Pesteng Mavi! Inaagawan pa ako ng kambal! "Sorry, kambal."

Biglang sumulpot ang mang-aagaw na anak ni Poseidon.

"Speak of the devil and he shall come," sarkastikong komento ko. Natawa si Mavi at kinuha ang braso ni Tazyn.

"Sorry, Talia," he teased with a smirk. "This cutie's my partner." Bigla niyang hinila ang kambal ko palayo. Aba!

Napaharap ako sa iba. "Callie, darling, may partner ka na?" I asked, hopeful. Bumagsak ang mga balikat ko nang tumango siya. "Sino ang magiging partner ko?!"

Callie grinned. "Wala pang partner si Cole." She wiggled her eyebrows up and down, slightly teasing me.

"Oh my greeks..." Bigla akong napatigil. "Sino ba partner mo? Pwedeng palit nalang tayo?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Si Amari ang partner ko," natatawang sambit niya. "Bakit, ayaw mo ba kay Cole?"

"Hindi naman sa ganon-"

"Then, it's settled!" She clapped with glee, making me roll my eyes in return. "Cole, partner mo raw si Talia!" Nanlaki ang mga mata ko nang sumigaw siya.

Oh my greeks, nakakahiya!

"Really?" Cole asked. "Salamat, Talia... kanina pa akong naghahanap ng partner eh." Bigla siyang napakamot sa batok niya.

At dahil kawawa naman siya, pumayag akong maging sparring partner niya.

"Everyone, in position!"

I summoned my bow and arrow before positioning myself in front of him, with a few meters between us. Like me, he summoned his weapon... his hammer.

Ilang beses ko na rin siyang napanood habang ginagamit ang kanyang sandata, at masasabi kong gumaling na agad siya sa maikling panahon.

He's such a fast learner. On the other hand, it took me a few months to make my aims accurate.

"Huwag mo akong pahirapan masyado," natatawang pakiusap ng kaharap ko. Napangisi ako bilang sagot.

"I'll try."

Silence engulfed us as we waited for Sir Saint's signal and when he finally blew his whistle, chaos erupted.

Puro pagsabog ang nakita ko sa kapaligiran ko kaya napailing ako. Mukhang sina Hiro at Raven na naman ang makakasira ng training room namin.

Oh my greeks, sana hindi kami mapagalitan ni Miss Elliana!

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now