Chapter 5

6.3K 124 5
                                    

Pechie POV

Maaga akong nagising at agad nag bihis ng simpleng blouse at pantalon na pinarisan ko ng puting sapatos. Araw ngayon ng sabado kaya walang pasok.  Naisip ko na lang mag-grocery ngayon dahil wala na din akong stocks dito sa apartment. Balak ko din bumili ng ilang damit tutal ay bagong sweldo naman ako.

Alam niyo na masayang gumastos kapag bagong sweldo ka. Tas iiyak ka na lang sa dulo kasi di mo alam na ubos na pala ang perang sinahod mo.

Dapat aayain ko si Hari ngunit ang bruhildang babaeng nagpunta ng tagaytay at hindi man lang nagpaalam sakin ang babaitang yon. Hindi man lang ako sinama ng babaita.

Yari talaga ang bruhildang yon pag-uwi niya!

Napailing na lang ako at mabilis naglakad palabas ng village upang mag-intay ng jeep.

Mag-iisang linggo na rin buhat ng habulin ako ng mga taong nakaitim.
Dinaig pa ang mga men in black sa pormahan nila. Akala mo naman kay gwagwapo. Buti na lang talaga nung araw na yon ay may mala-angel na nag ligtas sakin.

My savior. My poging savior.

Ihhhh! Ang cheesy! Hindi ko bet!

Buti na lang talaga at nandon si poging fafa kundi ay di ko na alam ang gagawin ko.

Kaso lang talaga ay hindi ko nakuha ang pangalan nito. Sana na lang ay makita ko ito ulit.

Ilang minuto pa ay may huminto nang jeep kaya sumakay na ko. Swerte na lang din at wala pang ibang pasahero kaya kahit humiga ka sa upuan ay ayos lang.

Pagdating ko sa mall ay agad akong nagtungo sa bilihan ng pagkain. Gutom na ko dahil hindi naman ako nag-umagahan kanina. Dahil sa sobrang excited ko ay nakalimutan ko nang kumain.

Oh diba? Lafang agad!

Sa food court ako kumain. Nakakahiya naman kung mag re-restaurant pa ko. Lonely na lonely naman ako pag ako lang. Agad akong umorder ng pagkain dahil gutom na ang katawang lupa ko. Pagkakuha ko ng pagkain ay umupo lng ako sa isang tabi at tahimik na lumapang.

Oo lumapang talaga dahil sobrang gutom ko.

Pagkayari naman kumain ay sobrang bigat ng tiyan ko. Eto ang problema kapag sobra-sobra ang kinain mong pagkain e.

Katakawan kasi!

Napailing na lang ako at lumabas na ng food court. Naglakad ako sa mga store dito sa mall. Una kong pinuntahan ay toy store. Wag assuming wala pa kong anak. Bulateng anak meron nasa tiyan ko palaging gutom. Hindi ako bibili ng laruan para sakin. Bibili ako para sa mga bata sa ampunan.

Balak ko kasing pumunta don bukas. Kaya nga dadamihan ko rin ang mga grocery na bibilhin ko para sa mga bata. Ilang linggo na din kasi akong hindi napupunta sa kanila. Panigurado miss na miss na nila ang kagandahan ko.

Minsan lang din kasi ang mga iyon nakakakain ng masasarap na pagkain. Kaya naman tuwing pupunta ako don ay bumibili ako ng pagkain na siguradong magugustuhan nila.

Namili ako ng laruan para sa kanila. Pagkayari ay binayaran ko ito at nagtungo naman sa national book store para bumili ng mga gamit sa school.

Nang mayari ay nagpunta ako sa bilihan ng damit. Para naman bumili ng gamit para sa sarili ko. Syempre, kung meron sila meron din dapat ako no!

Nakakailang damit na din akong napipili ng makarinig ako ng boses.

"Ano ba kuya? Pang babaeng damit to. Anong gagawin ko dito, bakit hindi na lang kasi ikaw ang bumili."

Napalingon ako don at natanaw ang isang matangkad na lalaki. Nakaharap ito sa gawi ko kaya nakikita ko ang mukha nito.

May asul itong mga mata at may light brown hair. Matangos ang ilong nito at may makapal na kilay. Ang mga labi naman nito ay mamula mula. Kunot noo nito at kahit yata sinong pintor ay hindi maiipinta ang mukha nito.

The Mafia's SecretWhere stories live. Discover now