Chapter 4

6.5K 146 4
                                    

Pechie POV

"Wala akong panahon para makipagbiruan pa sa inyo. Maganda siguro ay parehas ko na lang kayo patayin. Tutal naman e walang pakielam si boss, basta ang gusto lang ay mapatay kitang babae ka. Saad ni kuyang humahabol sakin.

Natakot ako ng marinig yon sa kanya.
Hayop na mamang to! Mukhang balak talaga yata akong itegi ngayong gabi.

Dehado kaming dalawa dito kung sakali dahil may baril ito at kami ay wala. Tapos hindi ko pa alam kung marunong bang makipagsuntukan tong lalaking kasama ko.

"Tumakbo kana." Saad ko kay kuyang gwapo. Jusko! Kung di siya tatakbo abay parehas kaming matetegi dito. Kasalanan ko pa pagnagkataon.

"Why?"

"Anong why? Abay syempre papatayin ka daw di ka pa tatakbo? Ano feel na feel mong mamatay. Edi sige hahayaan na kitang matsugi dyan basta ko tatakbo na."
Kumunot ang noo nito. Tumingin ito sa lalaking malapit na samin at napataas ang kilay bago muling tumingin sakin.

Tingnan mo to. Sa halip na tumakbo ay tumulala lang dine. Napailing na lang ako at akmang tatakbo na ng mapatingin ako muli sa kanya.

Nakatingin ito sakin gamit ang malamig na mata. Nakataas ang kilay nito na parang inaantay ang susunod kong gagawin.

Shet! Bat ba ko tinubuan ng konsensya!

"Pasalamat ka may konsensya ako, hindi kita hahayaang mamatay." Hinahawakan ko ang kamay nito bago kumaripas ng takbo kasama siya.

"Sige tumakbo lang kayo, hindi kayo makakatakas samin."

Kumunot ang noo ko ng marinig yon. Pati ba naman sa paggamit ng salita mali pa siya. Namin? Eh siya lang naman mag-isa yung humuhuli sakin.

Muli akong tumingin sa likod namin habang tumatakbo. Napatulala ako ng makitang nadagdagan ang mga taong humahabol samin.

Shet na malagkit!

Balak ba talaga nila kong patayin ngayon?

Napailing ako at muling tumingin sa harap. Pero napahinto ako sa pagtakbo ganon din ang lalaking kasama ko ng makita ang ilan pang men in black don.

Gago? Katapusan na yata namin.

May mga hawak itong baseball bat at mga nakatakip ang mga mukha. Kung susumahin lahat ay bente silang lahat kasama na don ang lalaking humahabol sakin kanina.

Nakapalibot sila samin na parang anytime ay papatayin na lang nila kami.
Nasa gitna nila kami habang sila ay nakapag-ikot samin.

"Sabi ko naman sayo. Mahuhuli pa din naming kayo."

Nagsimula na kong makaramdam ng takot para sa sarili ko at sa lalaking kasama ko. Mukhang mapapahamak pa ito dahil sakin.

Pero bakit ba kasi ako ang pinupuntirya ng mga ito?

"You okay?" Napaangat ang tingin ko sa fafang nasa gilid ko. Walang bakas ng takot sa mukha nito. Malamig lang ang ekspresyon nito at parang walang pakeelam sa paligid niya.

"Malapit na tayong matsugi, tapos tatanungin mo kung okay lang ako?Nananadya kaba? Gusto mo ako na lang pumatay sayo?"

Napataas naman ang sulok ng labi nito. Mukhang hindi inaasahan ang naging sagot ko. "I can beat them up if you're scared. Just tell me and I'll do it."

Gulat naman akong napatitig dito. Seryoso ang mukha nito pero kita ang ngisi nito sa labi.

Tumingin ako sa mga lalaking nakapalibot samin na mukhang nag-uusap kung paano kami papatayin. Sa dami ng mga ito ay hindi ko alam kung kakayanin niyang patumbahin ang mga ito.

The Mafia's SecretWhere stories live. Discover now