Chapter 2

9.3K 146 2
                                    

A/N: Good day babies! Sa mga di po nakakaalam ay inulit ko ang story na to sa kadahilanang may mga scenes pong hindi tugma sa flow nung story. Mag dadagdag din po ako ng ilang mga characters na mababasa niyo po sa  susunod na mga chapters! Enjoy!



Pechie POV

Pagod na pagod kong binagsak ang lahat ng papeles na hawak ko sa lamesa ni miss Prani. Mabuti na lang talaga at wala siya dito sa loob ng opisina niya. Hindi ko na talaga kinakaya ang matandang yon.

Pag talaga ko nainis hahanapan ko na talaga ng majojowa yang si miss Prani ng hindi na ganon kasungit. Akala mo araw-araw nagkakaroon ng buwanang dalaw.

Naiiling akong lumabas ng office nito at tinungo ang sarili naming office.
Naglakad ako papalapit sa cubicle ni Hari at kinuha ang isang upuan don at naupo sa tabi niya.

"Oh yari kana?"tanong nito sakin. Ngumuso ako at tumango.

"Grabe si miss Prani papatayin yata ko kakagawa ng mga inuutos niya."

Natawa ito. "Kasalanan mo yan napaka ingay kasi ng bibig mo." Sumimangot ako at sinamaan siya ng tingin. Break time naming lahat kaya malaya kaming makapagchikahan.

"Bibig ko pa hah? Nananahimik ako dito e."

"O edi share mo lang?" Saad nito. Sinamaan ako nito ng tingin kaya napahagalpak ito ng tawa.

"Ano? Gagalit yarn?" Natatawang saad nito. Napairap na lang ako at hindi na siya pinansin pa. Mauubos lang ang laway ko kakasalita sa kanya.

"Natahimik ka teh? Pagod yarn?" Asar ulit nito. Pag talaga ko naasar ng sobra dito sasabunutan ko na lang talaga to. Kung hindi lang talaga masama ang mag-rambol dito sa loob ng opisina baka kanina ko pa sinabunutan ang babaeng to.

Lumipas ang ilang oras at natapos na din ang oras ng trabaho. Hindi ko na din nakita si Hari marahil ay nauna ng umuwi.

Sa halip na gumamit ng sasakyan ay pinili ko na lang maglakad pauwi. Malapit lang naman din kasi ang tirahan ko sa kompanya.

Nakakaistress talagang magtrabaho lalo na kung meron kang boss na ubod ng sungit. Pag talaga ko napika dun kay miss Prani tatawagin ko si mang Etong at ipapakilala ko siya. Sakto pa naman at wala ding anak at asawa si mang Etong kaya bagay silang dalawa.

Kung di lang talaga malaki ang pasahod sa kompanya na pinapasukn ko ay baka matagal na kong nag-resign don. Kaso kailangan ko kasi talaga ng pera sa ngayon dahil bukod sa pang gastos sa sarili ko ay nagtitira din ako ng pera para naman idonate sa bahay ampunan na kinalakihan ko.

Buwan-buwan kasi ay nagtutungo ako don upang bumisita. Malaki din ang utang na loob ko sa kanila dahil inalagaan nila ko at pinag-aral buhat ng iwan ako ng magulang ko sa harap ng ampunan.

Mag-isa lang naman din ako sa buhay kaya bakit hindi ko na lang ibigay ang sobrang pera ko para naman sa mga batang katulad ko din ay iniwan ng magulang.

Minsan talaga hindi mo masasabi kung ano ang magiging kapalaran mo pagdating ng araw. Merong mayaman ka ngayon at masaya pero dadating ang araw na maghihirap ka at malulungkot. May iba naman na mahirap ngayon tapos magiging mayaman sa future.

Hindi talaga natin masasabi ang magiging future natin. Ang tanging magagawa lang natin ngayon ay gawin ang mga bagay na makapag-papasaya satin. Dahil sabi nga nila maigsi lang ang buhay, kaya kung may mga gusto kang gawin ay gawin mo na dahil hindi mo malalaman kung kelan ka mawawala sa mundong ibabaw.

Ang drama pechie hah! Naku mas lalo lang akong na iistress...

Napailing na lang ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Papasok na sana ko sa village namin ng may makita akong malaking aso. Hindi ko sana papansinin ngunit tumatakbo ito papalapit–SAKIN!

The Mafia's SecretWhere stories live. Discover now